7 TAONG NA-STRANDED SA ILOG TAMUGAN, NALIGTAS NG AWTORIDAD Martes nang gabi, pitong taong nagsagawa ng survey sa Apo Aqua water source ang na-trap dahil sa pagtaas ng tubig sa Ilog Tamugan sa Barangay Tamugan, Davao City. Nailigtas ang apat na babae at tatlong lalaki ng mga rescuers at mga pulis gamit ang lubid. Mas mataas pa sa tao ang lebel ng tubig, sabi ng Team Davao Rescue. Nagkaroon ng malakas na ulan sa nasabing lungsod dahil sa Intertropical Convergence Zone.
No comments yet