NOIVA DO CORDEIRO: A town populated mostly by 600 beautiful women Brad, single ka pa rin? Pano kung sabihin ko sayo na may isang bayan sa Brazil na naghahanap ng lalaki na makakasama nila sa buhay? Hindi ito biro, gumawa pa nga sila ng Facebook page at youtube para i-promote ang bayan nila at makahanap ng mapapangasawa. Ang bayan na tinutukoy ko ay ang Noiva Do Cordeiro. Sa kasulukuyan, merong 300 eligible women sa bayan na ito. But there's a catch, you have to live by women's rule. Populated ng mga babae ang bayan na ito kaya ang mga namamahala ay mga babae din. Female Rules! Lahat ng makikita mo sa lugar na ito ay may feminine touch. Kadalasang kulay ng mga bahay dito ay Lilac, Pink at Orange. Ang mga puno sa paligid ay minsang may mga ribbon pang nakatali. Ang cute di ba, kung kumportable ka sa feminine side mo ang cool siguro nito sayo. Pero bakit nga ba kaunti ang mga lalaki sa Noiva. Isa sa mga "Rules" sa bayan na ito ay ang mga asawang lalaki ay dapat mag trabaho sa labas ng bayan nila at tuwing weekend lang pwedeng umuwi. Ang mga batang lalaki naman na nasa edad 18 ay pinapayagan at ini-encourage ng manirahan sa labas ng bayan nila. Ayon sa kwento, noong 1890s ay merong isang babae na pinarusahan ng adultery at ito ay nilayo sa kanilang bayan at pinatira sa Noiva kasama ang mga anak na walang ibang kasama kundi sila lang. Di kalaunan, may mga single moms ang sumunod sa kanila upang maiwasan ang pangbu-bully sa kanila ng ibang tao dahil wala silang mga asawa. Hanggang sa pati mga single na mga babae kahit walang anak ay naingganyo na rin na manirahan dito dahil malaya silang gawin ang gusto nila bilang isang tao at malayo sa discriminasyon ng iba. At simula noon "Girl Power Rules!" Ito ang paraan nila upang mapangalaga ang karapatan at kakayahan ng isang kababaihan. Ngunit dahil din sa rules nila kaya naubos ang mga lalaki sa kanila. Kaya hindi maiiwasang mangulila sila sa lalaki. Ayon sa isang interview sa isa mga babae doon: 'Here, the only men we meet are either married or related to us. I haven't kissed a man for a long time. We all dream of falling in love and getting married.' Simula ng lumabas ang balita tungkol sa kanila noong 2014, ang bayan nila ay nakatangap ng maraming suitors sa ibat-ibang bansa at nag aalok ng marriage proposal. O ano brad, hindi ka parin naniniwala? Eto Facebook page nila https://www.facebook.com/pg/noivadocordeiro at ito naman ang youtube channel nila https://www.youtube.com/channel/UCfAZP01Pv6DJJ9aKw6mg-vw P.S. Yung photo sa baba, hindi po yan stock photo, galing yan sa FB page nila, sila po mismo yan. #DWA_News sources: http://www.dailymail.co.uk/news/article-2778315/I-haven-t-kissed-man-long-time-We-dream-falling-love-getting-married-MailOnline-visits-mysterious-town-300-Brazilian-women-looking-love.html https://www.mirror.co.uk/news/world-news/town-entire-population-made-up-4113722
No comments yet