Share ko lang guys ang ganap nitong maghapon ko kaya ngayon lang ulit ako nakaupdate.Grabe ang nangyayari sa buhay ko,yung hindi mo inaakala.Umatake na naman yung sakit na sinisikmura o sumasakit ang tyan.Dala hangang likod ang sakit sakit kanina😭.Sobra ang kirot,hindi nman ako naiyak sa sakit pero ramdam na ramdam ko ang kirot.Hindi ako maka concentrate sa trabaho.Panay ngiwi ko.Hindi ko maayos ang sarili ko.Namumulupot ako sa sakit.Napapatingin na sila sa akin,ang sama kase ng lasa ko.Feeling ko magcocolapse ako kanina.Hinang hina gawa ng sumuka ako ng sumuka.Noong una ay hangin ang aking sinusuka sumunod ay yung kinain ko na nodels,tuyo at kape.Naghalu halo na sa tyan ko.Ang hirap mga kaNoise kapag naranasan nyo ito,mas masakit pa sa naglalabor kapag manganganak.Naranasan ko na maglabor pero iba ang kirot.Nagagalak ka sa pwedeng mangyari pero yung ganitong sitwasyon,nakakapanghina. Mabuti na lang agad akong pinuntahan ng mahal kong asawa.Kinomport nya ako.Panay hagod nya sa tyan at likod ko.Medyo naiibsan pero need ko talaga ng rest at tulog.Pinatulog nya ako don habang siya muna ang nagtinda.Ang swerte ko talaga sa asawa ko.Minsan hindi ko yun nakikita.Parang ang hinahqnap ko lng e yung comfort na pangjowa pero iba ang pagmamahal na ganito.Ito ang true love and caring ng isang asawa kahit ang unfair ko sa kanya.Kapag siya ang may sakit hindi agad ako rescue.Minsan naiinis pa ako.Ang selfish ko😭 Sorry na asawa ko.Yaan mo babawi ako.Di na ako mag demand ng mga valentines gift basta ung present mo lang.Ang present natin sa isat isa bukas kasama ng mga anak natin. I love you my Love 😘 Happy Hearts Day❤️ Nag stay pa kami 1hour sa tindahan kung lilipas ang sakit ng tyan ko dahil sa mataas na nman siguro ang aking acid.Tapos hindi ko talaga kaya.Suka pa din ako ng suka kaya nagpaalam na ako sa Boss Ate at pinayagan nman ako.Naku lantang gulay ako nang sumakay sa trickel Pagkauwi agad nagpahinga at natulog ako.Hindi agad nawala ang sakit.Katabi ko ang maraming unan.Dadapaan ang unan.Sasandal sa unan.Kahit paano naiibsan.Mg kalhating oras siguro ang sakit tapos yun nakatulog ako ng isa't kalhating oras.Mula 2:30 hangang 4pm.Pagkagising ko nag iba na pero may konting kirot pa din hangang kanina Ngayon nman okay na,nakapagluto na ako at ito nakakapg cp na ulit.Nakapagkwento na na kanina ay hindi makapagsalita Thanks God at okay na ako.Nagpray ako kanina bago matulog at yun ginamot nya ako habang natutulog🙏😇
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Sis mabuti naman ok kna. Good evening sis. Musta kpatd mo sis?