Mabuti na lang madaming kamag anak na mababait mahilig magbigay tulad ng bagay na yan at kung anu ano pa tulad ng mga damit sapatos kaya nman minsan lang bumili ng mga damit at mga tsange pa yung binibili ko.Hindi din nman ako nawawalan ng pera yan ang pinagpapasalamat ko.Kahit anong pagsubok magastusan man tulad sa pagkakasakit ay agad nman akong nakakakuha ng kapalit.Blessed pa din ako kase di ko naranasan ang mangutang ng dahil lang sa kawalan at ayoko sana mangyari yun kaya habang nabubuhay didiskarte at kakayod tayo at tumbasan ng mabuting kalooban at palikisama ang mga taong tumutulong sa atin.Magimg mabuti at mapagbigay.Kung hindi ka gahaman at madamot ang biyaya ay madaling mapapasaiyo Yung lotion cream ano kaya connect sa pinagsasabi ko haha 😂
3 comments
Ang lalim naman non sis, pero tama ka. Hindi malayo ung blessing sa mga taong mababait.
Mabuti naman baby ang babait ng mga kamag anak mo hindi ka pa rin pinabayaan. Keep praying lang.
Oo both sides mababait,financially sa partner ko at yung present na pagmamahal sa side ko nman.Si Lord tuwing may pagsubok ako agad nya akong binibigyan kapalit minsan doble pa nga