Bilo bilo (Pinindot) Alam nyo ba ang pagkain na ito? Dito sa amin bida ito kapag bagong lipat kayo sa pinagawang bahay.Kasama ang puno ng saging at tupperware na puno ng tubig na may mga barya sa loob.Hindi ko alam kung ano ibig sabihin pero nakasanayan na dito sa amin. Hindi lang sa lipat bahay bida ang pinindot kundi sa ibang okasyon din gaya ng Graduation Day.Yan ang pangunahing handa Pinindot bilog bilog na minatamis sa gata.Masarap pa lalo kung may sahog na langka at saging kasama ang sagong puti na maliliit
8 comments
Para maging masagana siguro sis ang paglipat..ano..
Siguro nga.Laging magkakapit ang buong pamilya ahaha
May pamahiin din pala ang bilo bilo. Sa amin kasi simpleng meryenda lang siya. Hehe
Dito sa amin madaming pamahiin pa.Hindi pa nawawala kahit moderno na ngayon
Hindi ko alam na may ganyang pamahiin pala, basta ako kakain lang ng bilo bilo masarap kasi lalo na pag mainit pa
Hindi siguro sa lahat ng lugar alam yan pero dito sa amin.No.1 pamahiin yan na hangang ngayon ay nasusunod pa
Pinindot pala ang tawag niyo diyan sa bilo-bilo kanoise! Masarap nga iyan may kasamang langka, kamote, saging at sago o sacobi. Dito Kasi sa Bataan pati sa Pampanga niluluto iyan para pang- meryenda tapos namimigay sila sa mga kapitbahay.
Ang sarap naman ng bilo bilo sis