My Sister's Prescribed Medicines Ito ang mga gamot na tinitake ng kapatid ko napakadami sa manipis nyang katawan pero kailangan sundin ang prescribed ni Dok para sa agaran nyang paggaling.Madali lang nman siya painumin ng gamot kaso sa herbal un ang ayaw nya.Pati ang ikontrol ang sarili nya sa mga bawal doon siya nahihirapan.Pero kapag nman pinapangaralan namin na para sa kanya un para gumaling na siya at mawala na ang pamamanas sa mukha nya nakikinig naman.Mabait naman.Noong una naiyak pero ngayon naman hindi na.Lumalaban naman siya sa kanyang sakit.Sumusunod sa mga payo namin.Kailangan lang na kausapin namin siya.Libangin minsan gaya ng pagbibiro tulad nito "baka gusto mo na mag asawa" " Crush mo un ung gwapong dumaan" mga simpling biro na nakakapagpangiti sa kanya.Masaya na siya sa mga ganung bagay at maabutan mo ng kaunting pagkain o pasalubong.Dati mga sicherya,candy o chocolates pero ngayon bawal na kaya prutas na lang pinapasalubong ko sa kanya.Sa ganoong bagay sobra na ang kanyang saya.Ilibre mo lang ng meryenda o bigyan ng 20 pesos napakalaking bagay na un sa kanya. Ngayon nga ang balik nya doon sa mediko. Sana okay na tuluyan ng gumaling.Sa isang araw naman ang checkup sa doktor sana isa sa mga gamot na ito ay ibawas na sa reseta para ibig sabihin gumagaling na talaga siya Tumawag nga si Nanay humihiram ng pera kaya ung konting savings ko ipapahiram ko muna.Lord pagalingin nyo na po ang kapatid ko at salamat po sa blessings na mga Biik umanak ang inahing baboy nila noong isang gabi kahit paano may pambalik sa mga utang si Nanay kapag binenta ang mga Biik nila by next month.Sadya naman po hindi nyo hinahayaan na walang pagkunan ng gastusin ang mga magulang ko.Kung ngayon man po ay may utang sila sa iba naming relatives ang mahalaga ay makaraos at gumaling po ang kapatid ko.Yun po lamang paggaling nya at pagbalik ng normal nyang kalusugan ay malaking biyaya na po.Nawa'y ipagkaloob nyo po Lord😇🙏 Amen
2 comments
Patuloy lang ang prayer kanoise! At inumin ang mga gamot. Gagaling din siya
Sana maging ok siya sis sa herbal in Jesus name🙏