read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

2022 Ano ang pasok ng 2022 sa inyo? Sa akin ang 2022 ay maganda.Lagi naman maganda ang pasok ng New Year sa akin.Para sa akin maganda pa din kahit may pagsubok ng 2020 at 2021. Taon 2020 ng sumabog ang bulkang Taal.Nakakatakot ang kalamidad na yun pero na overcome naman naming mga Batangenyo.Kalhating taon bago kami maka recover dito.Nang bumalik kami sa amin galing sa bakwitan nagkaroon naman ng Pandemya ang Covid 19.Doble ang dagok dahil babago pa lang mag uumpisa ay may bago na namang pagsubok na kinakaharap. Taon 2020 din nagkaroon ng sakit ang asawa ko,nagkaroon siya ng MENTAL DEPRESSION dahilan siguro sa mga pagsubok na kinaharap namin dahil sa pagsabog ng bulkan.Gawa ng pagod habang nasa evacuation center kailangan umuwi para alamin ang mga kahayupan na naiwan.Sumabay pa ang pagkakasakit ng anak ko habang nasa evacuation.Walang sapat na tulog.Masyado nag isip kung paano na ang sunod naming buhay.Aside sa Depression sumabay din ang sari sari nyang sakit sa loob ng kanyang katawan.Tumaas ang kanyang blood pressure,pottasiom,kreatinine,uric acid as in sobra ang naging sakit nya.Muntik na nga siya noong mawalan ng gana sa buhay.Pero salamat pa din at ngayon naka survive na siya.Kaming lahat nakasurvive na. 2021 nandyan pa din ang COVID at tumama ang pinakakatakot ung Delta variant sa lugar namin noon na halos lahat kami ay nagkaroon ng nerbyos dahil halos araw araw may kaso inilalapag ang Gc ng aming lokal.Mapapansin ko din na halos araw araw ay may inililibing noon kaya nakakapangamba talaga.Mabuti na lang bago matapos ang taong 2021 ay recover na ulit.Sana lang wag na manalagsa ngayong 2022 sana wag na madanasan ang bangungot na dinulot ng Delta sa amin noon. 2022 ngayon at Covid pa din ang problema Bagong variant Omicron sabi mild lang daw ito pero sana wag na siya kumalat.Masugpo agad kaya kailangan natin ng ibayong pag iingat.Stay at Home.Keep social distancing pa din.Magsuot pa din facemask at shield tuwing lalabas ng bahay at magpabakuna para may proteksyon.Ang inaasam asam ko na face to face class mukhang hindi pa din matutupad ngayong taong ito 2022 sana huling covid na ito at maging normal na ulit ang lahat In Jesus name...Amen🙏

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.