read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

I'm feeling Guilty Im sorry...kung nasasaktan ko kayo kung ganito ang asal ko😔.Umatake na naman yung sakit ko I can't control myself lalo na kapag nagagalit ako..I dont know why? Bakit naging ganito ang ugali ko.Kailangan ko na siguro magpa physciatrist.After saka ko lang marerealize bat ganito ang ugali ko tapos hihingi ako ng sorry kay Lord paulit ulit na lang ang pagkakamali ko.Tutulo na lang ang mga luha ko.Magiging emosyonal ako kahit wala naman umaano saken.Habang tinatype ko to naiiyak ako.Ang dami ko naiisip.Ang daming sad memories na pumapasok sa utak ko.Bat kaya ganito? Dati naman nung single pa ako,nung bata hangang sa 19 years old ko never akong nag iisip kaya go on lang ako sa mga bagay bagay.Mabilis ako makatulog,matakaw ako maganang kumain.Masaya ako palagi .Hindi ako maramdaming tao.Hindi ako selosa.Hindi ako maingitin sa kapwa pero bat ngayon napi feel ko ang mga bagay na ito na dati nman hindi ko nararamdaman.Nangyari lang ito sa akin simula mag asawa ako at magka anak ako.Naging iyakin ako,naging matapang ako,naging palaban ako pero deep inside duwag ako may mga bagay akong kinatatakutan na hindi ko malabanan.Kapag nag pray ako maiibsan siya pero mauulit pa din.Nakakasawa na ang ugali kong ito.Bakit hindi ko mabago? Like ngayon nasaktan ko ang anak ko.Napagbuhatan ko siya ng kamay kase may mali siya medyo sumagot siya pero hindi nman sobra.Nairita din siguro kase hindi ko muna siya pinapakingan.Yung gusto ko lang ang sinasabi ko ang siyang dapat masunod kaya siguro sumagot siya sa akin.Nangigigil tuloy ako pero nagi guilty nman ako.Ito kase ako basta magalit na uncontrol na kahit sa asawa ko kapag nagalit ako kaiba ako feeling ko aping api ako.Tapos hindi ko siya titigilan.Feeling kawawa ako tapos sobra ang emosyon ko.Kakaiba ang ugali ko sa ibang Nanay na hindi nman nagkakaganito.Saludo sa kanila na marunong mag control.Sana wag nyo ako gayahin kase mahirap ang may ganitong ugali.Kahit ako sa sarili ko pinagtatakahan ko bakit ako naging ganito???? #depressionattacksonme😭😔

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.