Bagong regalo Masaya ang bunso ko nakatangap ng regalo Isang kahon na iba iba ang laman galing sa born again church .Nakakatuwa ang kapatiran kase may mga donasyon na ganito galing sa ibat ibang lugar at ang iba ay galing pa nga sa ibang bansa.Namimigay sila sa mga bata kung sino ang palaging nagsisimba ganundin sa mga magulang na palagi ding nagsisimba doon.Si bunso at ang kanyang mga pinsan ay nagsisimba hindi man lingo lingo pero minsan lang nman siya umabsent kapag may lakad siya.Nasanay na din sila dahil malapit lang naman ito sa amin. At nang mabuksan nya videocall agad siya sa akin at pinakita ang mga gamit na natanggap nya.Hangang ngayon lagi nya katabi ang box hangang sa pagtulog
5 comments
Ang galing naman ng born again hindi nasasayang ung mga donations kasi shinishare nila sa mga bata
Oo sis lagi sila may paganyan kaya hinahayaan ko sumimba si bunso doon kahit catholic kami kase may magandang layunin naman at natututo din makihalubilo at syempre ang makilala nila si Hesus
Ang saya nga siguro ni bunso mo sis. Mgandang hapon
Wow ang dami niyan sis. At may mga stickers pa at a na sure na magugustuhan ng mga bagets. 😊
ang dami nyan sis.enjoy ang bata