Masakit pala na kapag ung taong malapit sa buhay mo ay hindi pala masaya sa natatamo mo.Ipinagmamalaki ko pa naman na napakabait nya kase okay lang sa kanya na kahit paano may kita ako.Oo noong una siguro nga sinusuportahan nya ako.Happy siya sa natatamo ko pero bat ngayon ganun? Bakit nya ako kinukwestyon?Dahil dati hindi nya alam na ganun pala ang kita ko sa sideline na un.Maliit lang naman halaga un pero bakit kailangan pa kwestiyunin?Oo alam ko nasa tama sila kase sila ang may ari ng pwesto pero dapat nung una pa lang pinigilan na nila ako.Hindi ung ganito kung kailan ko unti unting napagyayabong ay saka nila ipagi give up sa akin.Napakasakit para akong sinampal.Ang sakit ipamukha wala akong karapatan dahil Isa lang akong tauhan pero hindi naman ako iba sa kanila eh.Pamilya naman nila ako eh.Dapat pala hindi ako naging panatag na palagi siyang susuporta.Pasensya na mababa lang talaga kalooban ko kaya eto panay ang iyak ko😭😭😭.Kahapon lang ang saya saya ko ito pala ang kapalit ngayon luha at sermon ngayong umaga.Di ko talaga mapigilang hindi umiyak.Marami beses na nila ako pinagsasabihan sa mga simpleng bagay na binabalewala ko lang dati kase okay lang un sa isang Amo para marami kapa matutunan at nasa tama naman sila kaya okay lang labas tainga na lang..Pero itong sinabi nya ngayon sobrang sakit hinding hindi ko makalimutan..Iyak lang ako ng iyak mamaya mawawala din ang kirot .Gagaan din feeling ko kase naibahagi ko na sa inyo Ang nararamdaman ko.Ayawvko sa Facebook kase doon lang din naman sila.Dito na lang sa inyo.Pa hug naman po🤗🤗🤗
Log in Invite-only for now. Someone already here has to let you in.