Galing kami sa pahapunan kagabi dahil ngayon ang baysanan.Dito sa amin bago ikasal sa mismong araw bisperas o bago ang kinabukasan ay may handaan na.Dalwang araw ang paghahanda.Bisperas ng hapon hangang gabi hangang sa magsabitan na ng pera para sa unang hanap buhay ng bagongag asawa.Naranasan ko din mag ganyan.Ngayon ang araw ng kasal hangang tanghali nman ang selebrasyon o abutin pa hangang alas dos dahil sa aantayin pa matapos ang sabugan ng mga ninong at ninang sa kasal.Malakihang sabog na nman dito sa batangas.Ihanda na ang sampungblibong piso o higit pa.Talastas na yan dito sa amin sa Batangas.Nakabihasnan na ng mga tao kaya iba ayaw ng babae dito kase GINTO
6 comments
Costume yan baby? Morning
Anong custome? Hindi ah curtain yan design sa cater
Sarap mag pakasal ng ng batanguinio ah , siguradong may higit sa sampong libo pagkatapos ng kasal
Oo sis mababa na maka 100k sa iba pataas pa kase kind kuha 10 pares o higit pa na mga ninang ninong imagine kung magbgay ngbtig 10 libo e yung iba galante pa hinihigitan pa
Nakaka-amaze yung mga tradisyon ng bawat lugar lalo na pagdating sa kasalan. Bongga talaga sa ibang probinsya at talagang ginagastusan ng husto.
Oo dito sa batangas nakagawian na yan,okay lang gumastos ng bongga kahit ipangutang dahil talagang ganun dito eh di pwede walang handa,kawawa na kapag dalwang baboy lang napatay