read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

Kakatuwa makita ang maganda nyang ngiti Hanga ako sayo kapatid ko Sadyang napakatapang mo Lumaban ka at hangang ngayon ay lumalaban Walang hangang Papuri natin sa Panginoon Paggising nya yan kanina umaga pinicturan ni Nanay at pinasa sa amin.Ang laki ng improvement nakakatuwa.Nawala na ang manas nya sa mukha.Sa paa na lang daw ang panas at baka bukas ay makalabas na sila.Excited na siya lumabas kaya talagang nagpapalakas siya para sa amin.Kahit noong una parang nanghina ang loob nya pero dahil sa amin na pamilya nya ay nilakasan nya ang loob nya.Salamat po sa mga prayers at tulong ng mga kakilala,kaibigan at pamilya.Sa mga taong nag donate sa gcash ng Ate ko.Sa mga kaibigan ko dito na nag abot din ng tulong thru gcash,bitcoin wallet at ft's.Sobrang salamat po sa inyo,napakalaki po ng naitulong nyo lalong lalo na sa mga prayers nyo🙏😇 Syempre lalot higit sa mga blood donors Mga heroes na hindi nag alintana kahit kalusugan nila ang nakataya nang walang hinihinging kapalit.Lalong higit sa Panginoon.Sadyang sayo po ang aming Papuri sa ating Diyos Ama at Diyos anak.Amen😇🙏

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.