read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

Elena Flower Ang elena ay damo.Dito sa amin ito ay kumpay sa baka at kambing.Ayan siya namulaklak din.Hindi lang yan pang kumpay sa hayop kundi pwede din siya laruan noong unang panahon nga lang.Bakit ko nasabi laruan ito sapagkat ang tanging laruan lamang namin noon ay mga dahon,damo at mga lata na walang laman.Meron din mga putul-putol na kawayan na gingawa naming baso o pitsel.Ang bao ng niyog ang kaldero.Ang mga dahon na malalaki ang plato at ang maliliit na dahon ng elena ang bigas.Kunyari yan ang aming kanin.May cake pa yung lupa na ginawanaming putik at nilagyan ng design.oh di baay chocolate cake pa.Ang ulam ay kung anu anong putol na dahon o bagay.Ang saya saya nga naman.Ang sarap balikan.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.