Oh.. oh.. oh...it's Sunday Magra rush na naman ako sa modules Naku! Bukas pasahan na,anong petsa na wala pa sagot Math Science week 1 at 2.Week1 na English okay na.Week2 hindi pa.Kaka drain na at ang tagal na gingawa ito bat hindi pa din ako nasanay.Konting tiis na lang at makakagraduate na din sa module.Kahit pa blended siya face to face and modular okay lang basta ayoko na magsagot.Ang dami kp trabaho dagdag pa ito. Mag face to face class na nga pero nag aalangan pa din ako paturukan ang anak ko.May mga sinasagawa ng vacine program para sa 5-11 years old na bata.Sa mga hospital meron na.Ang isa ko pamankin na 11years old nagpaturok na.Inaaya nga si Bunso kase 11 din siya.Pinakamataas yung edad nila at naghahanda din para sa pagtungtong nya ng secondary school.Pero di muna namin pinayagan si Bunso kase may skin allergy siya.Tsaka diba parang lai low na uli si Covid.Bakit papaturukan pa mga Bata?Hindi pa ba sapat yung mga magulang na lang ang turukan? Ay naku ewan ko lang pero hangat hindi pa natuturukan lahat ng Bata hindi muna namin paturukan si Bunso unless kinailangan na talaga sa school para sa face to face class Kaya yan kahit sa tindahan habang nasa trabaho isisingit sa oras ang modules
5 comments
Kaya mo yan ka noisemate...module na lng ang tutukan ngayong araw
Kung yan nga lang ang gagawin pwede pero madami pa akong ibang gawain gaya ng pagtitinda at itong sideline sa celphone
Nakakapagod nga iyang module kahit nakikita ko lang at nababasa. Parang ang parent na rin ang nag-aaral! Iba pa rin pag face ti face masusubaybayan ng teacher ang mga bata. Konting tiis pa malapit na rin iyan, noise friend!
Totoo..ganun nman nga ang nangyayari kaya lahat ng bata honor na mataas ang grade kase mga nanay nagsagot.Sana nga mag face to face class na
Hahaha! Iyon nga ang nangyayari ngayon. Di tuloy malaman kung sino talaga ang matalino sa mga bata hehe.