Magandang Gabi sa lahat Heto na naman ako Halo halong emosyon na naman ang bumabagabag sa aking isipan.Hanga't hindi nakakalabas ng hospital ang kapatid ko,hindi mapanatag ang isip ko.Alam ko hindi siya pababayaan ng Panginoon.Ngayon pa ba na natiis nya nga sa bahay at nagpa admit na siya para sa tuluyan nya paggaling.Alam ko na nabigla siya sa ginawa sa katawan nya lalo pa at inosente siya sa mga bagay2 na ganito dahil isa siyang Pwd.Kung may nasasabi man siyang mga salita pagkatapos nya isalang sa operating room at after madialysis siya yun ay dahil nabigla siya pero alam namin na lalaban siya para sa amin.Pakatatag ka kapatid ko konting tiis na lang at makakaraos din.Sa una lang yan Mebs pero alam ko masasanay ka din.Madami nag aantay sayo sa paglabas mo na may maganda kang ngiti sa amin Panginoon hinihiling ko po paulit ulit na sana ay manatiling matatag ang kapatid ko,na patuloy na lumaban sa pagsubok ng kanyang kalusugan.Hipuin nyo po ng mapagpala nyong kamay ang mga kirot na nararamdaman sa kanyang katawan.Naniniwala po ako sa milagro na para lang pong pinahid na uling ang sugat sa kanyang loob at labas ng katawan at dahil po yun sa inyong Mapagpalang Kamay sa pamamagitan ng inyong anak na si Hesukristo Amen🙏
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Ang sakit naman mabasa ung ganitong post mo sis, huhuhu. Alam ko kakayanin ng kapatid mo ung laban niya ngaun at hinding hindi siya pababayaan ng panginoon kaya keep on praying lang sis at magpakatatag lang kayo para sa kanya.
Hindi ko talaga mapigilan umiyak kahapon ng tumawag ako lalo pa pinapalakas ko loob nya kahit nasasaktan siya,paglabas nya OR hirap pa siya magsalita,nanghihina dahil sa pagbutas sa leeg nya pero sabi ko laban pa din habang umiiyak ako.Yung imik nya parang ungol lang na alam ko na lalaban pa din siya
Kahit sinu mapapaiyak talaga sa ganyan or mag hahagolhol pa. Be strong lang sis makakaya ng kapatid mo yan kahit mahirap mag dasal lang tayo para gabayan at mabilis ung recovery niya.
Noong una sis nang hindi pa siya nasalng ayaw ny pa daw umalis ng hospital pero nung nabutasan na siya sa leeg nya,awang awa ako sa itsura tapos nung galing sa dialysis room lantang gulay daw ng binalik.Sabi daw nya gusto na daw nya umuwi samen at para daw xa pinapatay don,syempre masasabi nya yun kase iba nman isip nya kase medyo isip bata xa pero sabi ko laksan loob nya,hindi xa pwede umuwi hangat hindi pa magaling.Awa nman ng Diyos medyo nag iba na ngayon.Nabigla kase kahapon pero ngayon nman medyo okay na siya at nakausap ko uli kanina.Mukha nman masigla ang boses.Nabuhayan uli ang loob kase sabi ko kaya yun gingawa sa kanya e para lalo siya gumaling at nag okay nman siya at lalaban daw siya
Hindi kasi biro ung pinagdaanan niya sis kahit ako ganon din masasabi ko, huhuhu ung simpleng sugat nga lang ang hapdi na pano pa ung sa kanya diba. Buti naman at medjo ok na siya. Sana tuloy tuloy na ung pag hilom ng sugat niya at ng gumaling na siya. Ang hirap din kasi sa part niyo na nakikita siyang nahihirapan
Amen sis.sana patuloy na paggaling ng kapatid mo