Napa emote na naman ako mga ka Nfsfg. Pano ba naman sobra alala ko sa asawa ko kase 100 missed calls yata ginawa ko walang respond.Ring lang ng ring tas mamaya cannot be reached na.Paulit ulit na ganun.Alam mo yun may importanteng sasabihin tapos hindi xa sumasagot.Alam ko nasa handaan xa don sa tito ko.Hindi nga ako kasama dahil may pasok ako.Hindi nag update na umuwi na pala at umuna na sa kapatid ko although sanay na ako na wala kami masyado update sa isat isa kapag may pinupuntahan.Kaya hanap ko agad siya sa amin sa bahay ng Nanay ko kung andon kase andon mga bata pero wala tapos wala din sa bahay namin.Isip ako asan siya.Pinapuntahan ko pa sa mga kapatid nya.Tawag pa ako sa kanila pinapa check ko kung andon siya kase sabi ate ko umuwi na daw at masama daw ang lasa kaya sobra alala ko wala xa kasama sa bahay pero di nag riring cp nya.Kainis ayaw sagutin.Busy ba sa ibang bagay.Pwede nman sumagot di ba kahit anong busy o ayaw talaga.Nanggagalaiti ako kase balewala lang ako tas ngayon explain nya nagpa vulcanize siya ng motor.Nasa bulsa cp at hindi naririnig dahil silent ang phone.Maniniwala ba ako kaingay? Wala na ako tiwala baka nasa sabungan siya kase hindi pumasok sa trabaho.Haaay nanginginig ako kanina.Ang sakit ng dibdib ko at naiiyak pa ako kase para akong tanga.Tapos di man lang siya nag sorry at wala nman daw siya kasalanan dahil hindi nya daw talaga narinig at walang sound.Ako na galit na galit di nya nman pinapatulan pero naiinis talaga ako sa kanya.Nung makauwi siya napanatag na loob ko pero may kirot pa din sa puso ko.Di maalis sa isip ko na nagsugal xa kaseas bisyo siya na ganun. Grabe na stress na naman si Inday
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Ang haba nang post mo baby. Sana okay lang hubby mo di ko na binasa pa lahat
Okay siya at naiinis ako dahil pinag alala ko plus baka kung saan pa pumunta.. inistress nya ako ng sobra pero alam mo nman baby mo pusong mamon
Swerte naman ng hubby mo. May nag alala sa kanya na nagmamahal pa
Oo nman kahit ganun yun mahal na mahal ko yun
Ang tamad mo talaga mag basa kuya, hahaha nag pa vulcanize daw ung asawa niya
Naku diba nag gastos ka para saknia ..dahil sa health problem niya ,. Oh sana naisip nia ibili nlng ng gamot ung isusugal if sakaling nag sabong nga