Padala sa aking mga junanaks.Nasanay na sila pag-uwi ng kanilang papa pagkahatid sa akin may padala akong pasalubong.Baon nila sa bahay habang nagmo modules pero ngayon nga pala ay sabado walang pasok pero parang hindi rin nararamdaman sa dami ng sinusulat at activities na ginagawa Nahihirapan na sila pati ako pero konting tiis na lang at isinusulong na ang face to face dapat lang naman.Napakahirap Kaya ng subject na Math,English at Science kailangan talaga ito ng guidance ng teacher kase kung magulang lang ang magturo ay hindi din naman alam ng ibang parents katulad ko.Isa na ako kase hindi nman ako katalinuhan at hindi ko din magampanan ang magturo sa kanila dahil may iba pa akong bagay na ginagawa kaya self learning talaga sila.Challenging talaga ang modular learning.
No comments yet