Way back home to my childhood town with my PWD sister.It was 3 years ago... Ano say nyo payats pa rin walang pagbabago Same with my sister pero ang aming ass..kapansin pansin haha At that time wala pa sakit si Sister sobrang healthy nya kahit ganan siya kapayat never siya nagkakasakit kahit simpleng lagnat lamang.Hanga nga kami na mga kapatid nya kase nga malakas ang kanyang imune system pero last year 2021 bigla siya nagkasakit nagkaroon siya ng nerbyos dahil sa pagputok ng bulkang Taal.Naging magugulatin siya dahil sa lindol.Mabilis siyang naapektuhan kase iba siya.Iba ang pag iisip nya,medyo late compare sa amin na mga kapatid nya.Sa madaling salita nagkaroon siya ng mental deppression yung parang mababaliw na dati.Kung anu ano na lamang nasasambit nya o mga bagay na nakakatakot.Pinasok na ng hangin ang utak nya.Sinasabi nya na may nanliligaw sa kanya na niyayaya siya na magpakasal kahit wala nman talaga.Sinasabi pa nya na may papatay sa mahal sa buhay basta nakakatakot ang mga iniiwan nyang salita tapos takot na takot siya at hagulhol na sa pag iyak.Sari sari mga sinasabi nya na hindi kapani paniwala pero mararamdaman mo nman sa kanya na parang totoo nga sa pakiramdam nya ang mga kakaibang bagay na un.Naniniwala ba kayo don na pwedeng gawa2 un ng dyablo at hinihimok siya.Mabuti pinaalbularyo namin at nag iba naman.Syempre dahil din un sa hindi nya pagkakatulog ng ilang buwan din siguro.Kapag sa eksperto o sa doktor yun ang sasabihin.Pinasok ng hangin ang utak nya.Same nman ako both side naniniwala kase same na may naitulong. Nakarecover na siya sa case na yan pero last year din at hangang ngayon nagsa suffer naman siya sa sakit na kidney na nagdulot naman ng pamamanas ng paa at mukha nya.Pero masigla nman siya pero nakakaawa nga lang kase ganyan na nga siya tapos kung anu ano pa dumapong sakit sa kanya.Matataas ang findings sa internal body nya katulad ng sa kreatinine pottasium uric acid at Blood pressure.Siguro nag conflict conflict na.Sa ngayon nagpa pacheck up ulit xa halos monthly may regular checkup xa.Malaki na din ang nagagastos nina Nanay.Hindi din alam kung saan lagi kukuha ng pera para sa maintenance sa kapatid ko.Maliit lang kita ko kaya minsan lang din ako makapag share.Nagtutulong tulong kaming magkakapatid pero kulang pa din.Pamamasada lamang ang pinagkikitaan ng aking step Dad tapos napakahina pa ng byahe kaya sobrang gipit at nagkakautang pa nga sa ibang kamag anak.Kapatid kong lalaki na bread winner na kasama nila sa bahay ay driver din.Kahit paano nakaka survive sa buhay yun nga lang kulang talaga ng pinansyal na pambili ng maintenance na gamot at pang buwanang checkup.Sabi ko nman basta tuloy tuloy checkup.Wag alalahanin ang gastos ang mahalaga ay gumaling ang kapatid ko.Alam ko may awa ang Diyos. Namimiss ko na yan si kapatid yung dati nyang sigla na palaging tumatawa at nakakasama namin dyan sa bahay ng Lola.Ngayon hindi na namin siya maisama ng hindi din kasama si Nanay.Alagain kase siya ngayon.Baby namin siya ang aming special sister Naway tuloy tuloy na ang paggaling nya at makuha na sana sa bagong ireresetang gamot ngayon.Sana gumaling na talaga siya sa bagong doktor nya ngayon.Sana mawala na ang pamamanas ng mukha at paa nya.Pamaya makikibalita ako kung ano na kaya.Sana ay may improvement na ng pagbabago🙏
1 comment
Gagagling siya sis in God name. Amen .ganda naman sa lugar niyo sis, luntian.😍