Bago ako matulog ay magpopost muna ulit ako ng isa pa.Ano na naman kayang ka dramahan ang masasabi ko.Well,medyo nag emote2 ako kanina.Napakababa talaga ng aking luha.Sa simpleng bagay lang na ginawa ni Mister eh naiyak agad ako.Wala po ako magawa eh hindi ko po kayang kontrolin ang emosyon ko.Hindi ko na mabago sa sarili ko ang pagiging sensitibo.Share ko lang naman sa inyo saltikin at moody ako kaya ingat na ingat din ako minsan na may masaktan akong tao kase ramdam ko kase ang ganung bagay na nasasaktan.Kapag may nagawa akong mali nakokonsensya talaga ako at naiiyak din ako.Iisipin ko un ng iisipin.Ewan ko ba kung bakit naging ganito ang ugali ko.Simula lang naman magkaasawa ako e saka ko lang nararamdaman ang ganitong damdamin.Dati nman hindi ko nararamdaman ang ganitong bagay.Kung may problema ako dati wala lang,Kung may nasaktan ako wala lang din.Hindi ko siya dati dinaramdam.Ganito yata talaga kapag nagmamatured na.Ganito din kung sinusubok ng tadhana dadaanin mo ang lungkot t at pighati bago mo madama ang tunay na kaligayahan na iyong inaasam. Sige na po baka umiyak na nman ako. Magaling at tahan na po ako...Pagpasensyahan nyo na po si #emoterangMomshie Gabing mapayapa sa ating lahat.Goodnight!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet