#HappyMothersDay2022 Happy mothers day po sa lahat ng Nanay sa buong mundo specially sa Nanay ko kung wala ka wala ako dito sa mundo Salamat sa pag aalaga at pagpapalaki sa aming 5 nagkakapatid.Hindi man tayo mayaman pero yung pamilya natin ay mayaman sa pagmamahal.Never kaming nag away away na magkakapatid.Hindi kami nagkakaroon ng hilian o iringan na meron si ganun wala si ganun kesyo magtutulungan na lang at magbibigayan.Salamat mahal kong Inay.Ganundin sayo kapatid ko kase isang Nanay kana din at sa lahat ng mga tiyahin ko both sides,sa inlaws ko Happy Mothers day po sa ating lahat. Sana kung ano ang pagpapasalamat ko at pag appreciate sa Nanay ko ay ganundin sana ang madarama nitong mga anak ko.Kahit minsan ay matigas ang ulo at pasaway,minsan nangangatwiran kaya minsan iniisip ko kung tama ba ang pagpapalaki ko kase kung ikukumpara ko sa ugali ko noong bata pa ako ay malayong malayo.Meron din pagkakatulad pero yung pagmamahal sa magulang at palagiang pagsunod ay hindi nila madyadong isapuso.Sumusunod naman sila pero iba ang pagsunod ko sa magulang ko.Pero iniisip ko na lang na dahil bata pa sila at dadating din ang panahon na marerealize nila ito kapag naging magulang na din sila. Parang kaylan at ang laki na nila.Dalaga na sila ngayon at iyon ang advantage kase para ko lang silang mga kapatid at kabarkada.Kakulitan at kabonding ko pagdating.Nagkukwento na din ng mga crush nila at tungkol sa mga kaibigan nila.Natituwa nman ako at open sila sa akin sa mga bagay na ganun.Saka ang gusto ko sa kanila hindi sila ying bata na palaging gala mg gala tamang bahay lang sila at minsan sa mga pinsan nila pero mabibilang mo nman ang paglakwatsa nila.Maasahan naman na sa paglalaba ng kanilang damit ang panganay ko at ang bunso ay sa pagtatapon mg basura at pagliligpot ng plato paminsan minsan.Madalas mah away pero mayamaya naman ay bati na ulit Madami man pagsubok noong mga bata pa sila sapagkat yan panganay ko 3months pa lang nahulog sa kumot na duyan at bumagsak sa aming aementong sahig.Noong panahon na iyon ay isinugod namin siya sa hospital at pina ct scan.Naniniwala ako sa katutubong anghel na sumagip sa kanya sapagkat isang milagrong walang findings at ngayon nga au dalaga na siya at maasahan na.Ipinagmamalaki ko yan kase matalinomagaling gumuhit at magaling sa mga edit sa cp.Sa kanya pa ako nagpapaturo ng mga gagawin ko sa cp ko kyng may kailangan eedit. Sa bunso ko naman baby pa lang siya ay sadyang maliit na siya.Noong baby siya sobra siyang iyakin yung palaging nakadikit sa aking katawan.Ayaw sumama sa ibang tao kahit mga kapatid ko o kamag anak ko talagang sa akin lang siya kaya hindi ako makaalis nun ng hindi siya kasama.Naconfine din siya nung months pa din siya dahil naman sa phymonea.Thankful ako at nakasurvive din.Madami mam pagsubok pero si Lord lang ang tanging solusyon.Subukin man pero hindi nya ako pinabayaan.Nagkaroon din siya ng sakit sa balat hangang sa ang ulo nya ay nagkasugat.Silang dalwa naging malayo na sila sa sakit simula nang mag pitong taon na sila. Kung pwede lang ikwento lahat kaso mauubos ang oras.Summarry na lang ginawa ko.Muli Happy Mothers po sa ating lahat na mga Nanay.Mabuhay po tayo!!!
1 comment
Happy mothers day sis enjoy your moment bonding with your family