Ate is my bestfriend Kaagapay ko lagi,kasama sa lahat ng lakaran Sa kanya ako nagtatanong ng mga dapat gawin.Kapag mayroong bagay na una ko sasabihan sa kanya lang.Hindi din ako palasumbong sa magulang ko o makwento kahit kanino o kahit sa asawa ko.Malihim din ako minsan.In short hindi ako Marites kaya late lagi ako sa update ung tipong nagkukwentuhan lang sila pero ako hindi umeepal nakikinig lang.Hindi ako nagsa suggest unless tanungin nila ako un lang saka ako magsasalita.Ganyan ako in person pero sa chat yan dyan lang ako nakakapagsalita o nakakapagbahagi ng saloobin. Kapag pumupunta ako sa bahay ni Nanay hindi pwede na hindi ko maka bond si Ate.Kapag wala siya sa bahay ni Nanay doon ko siya pupuntahan sa bahay nya.Kami dalwa ang magkasundo kase pareho kaming masinop sa pera samantalang ung mas Bata sa amin hindi masyado.Siya pa nman ung plain housewife at may tatlong anak pero sa paggastos ewan lagi silang kinakapos.Wala na nga sila isipin na tubig o kuryente na babayaran ung pangkain na nga lang pero kinukulang pa din. Nagmana siya kay Nanay plain housewife din.Aasa lang sa kita ng Tatay.Mahirap naman ang ganun kaya ako pinilit kong hindi maging plain housewife although may namimiss akong mga bagay para sa mga anak ko per o makakasanayan naman un ng mga bata.At nakasanayan ko na din
6 comments
Masarap sa pajiramdam pag may alam ka taong mapagkaktiwalaan at masasabihan ng lahat ng nararamdaman mo.. di lahat ng tao may ganyan tunay na kaibigan tapos kapatid mo pa your so blessed sis..
Kaya nga po may iba po kase magkakapatid na nagkakaingutan buti na lang pinalaki kami ng mga magulang na buklod buklod talaga ng pagmamahal kahit simpling buhay lamang basta kami ay masasaya at hindi nag aaway away
Kambal ba kayo sis kalook alike kayong mag sista ohh mag iingat kayo palagi
Hehe mukha ba kaming kambal? Sa personal hindi nman
Para pala kayong twin ng sister mo, ka-noise? Sino ka ba diyan?
Nku ako mtagal na sa house sis. Pero may kaunting pinagkakakitaan ang magtinda ng bigas.. Hahaha. D kase pwed pang iwan ang 2 kids ko. Lalo now at nsa modular learning