Maberdeng Puno Ngayon ko lang napansin ang dami pala puno matatanaw mula dito sa tindahan na tinitigilan ko.Sa tapat nito ay ang petron tapos sa gilid nito ay ang mga puno. Ano ano ba puno ang nakita ko? May mangga,mga niyog at kamansi pa.Yan po ang mga puno na karamihang makikita dito sa amin.Lalong lalo na ang niyog.Kahit moderno na madami pa din naman puno dito.May mga lote pa na madaming puno.Bakit kaya hindi nila binebenta ang lupa nasa tabing daan naman o baka wala bumili dahil mahal.Kapag nasa high way komersyo daw ang presyo Ang dami puno di ba,may mga damo pa pero malinis siya hindiukhang gubat.Akalain mo ganyan sa pagitan ng Petron at feedmills industry.Kakatuwa lang bakante siya.Gusto ko bilhin kapag ako ay mayaman na. Ang tanong kailan kaya? At mangyari kaya? Yun lang...mema lang
No comments yet