Meron din ba kayong ganito Tungko sa labas ng bahay.Makakatipid sa gasul.Masarap pa ang luto ng kanin dito.Basta masipag lang mangahoy ang laki ng matitipid natin.Ganito ang buhay sa probinsya.Masipag ka lang,syempre dapat may mapapangahuyan gaya sa mga gubat o sa lagnas.Si hubby lang gumawa nyan.Siya din ang nangangahoy.Anong parte ba ang ginawa ko?Kahit tagaluto e siya din.Pero bumawi naman ako kaninang tanghali,ako naman nagluto nyan,inantay ko main-in ang kanin na yan dyan sa kaldero.Ako na din nagluto ng ulam.Pahinga din muna si Mister ng panandaliang oras at pagdating ng hapon e kikilos na uli siya para mag alam ng aming hayupan.
2 comments
Ay ang galimg dito po kasi samen may space naman ako sa harap kaso yong kahoy ang wala haha..malaking tulong po talga yan at iba po ang lasa ng luto niyan kesa sa gas po..
Mas masarap ang luto dito sa tungko kumpara sa gasul.Don lang sis kung walang mapangahuyan pwede nman ang uling di bibilhin nga lang