read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

Magandang araw ng Linggo Araw ng pagsamba. Ingat po ang lahat sa buong maghapon. Nakatigil man o may gingawa naway tayong lahat ay ingatan ng Panginoong Diyos. Magpasalamat sa bawat paggising na ibinibigay nya sa atin.Humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan,bagamat binibigkas ay paulit ulit namang ginagawa ang mga kasalanan.Patawad Ama ako ay hindi na nakakapagsimba.Subalit ganunpaman ikaw ay parati pa din nandyan sa aking tabi.Parati mo akong ginagabayan at binibigyan ng biyaya sa kabila ng mga pagkukulang ko sa iyo. Patawad po peroa masaya pa din ako na kahit ganun ay nararamdaman ko lagi ang presensya mo sa tuwing magdarasal ako bago matulog at paggising.At ngayon nga habang tina type ko ito ay naiisip kita.Nakikita kong nakangiti ka sa akin at ako'y iyong hinahaplos. Salamat sa lahat ng mga biyaya. Nakakagaan ng kalooban na masabi ang lahat lahat sayo Panginoong Hesus 😇

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.