Dumaan sa memories ng facebook ko 5yeaes ago.Sa inyo din ba uso ang ganito yung may paalay sa gabi at meron sasagala. Sagala ako pati mga anak ko pero magkakaiba kami ng kasama.Kakatuwa ang ganito kase dalqang unan ang luluhudan habang kymakanta ng "ikom bulaklak ng alay nang aming pagsinta tuuuuunay🎶🎶" palitan mo birheng mahaaaaal nang tuwa sa kalangitan🎶🎶🎶 Bata pa lang ako sumasagala na ako.Ginaganap ito tuwing Mayo sa bawat tuklong ng baryo.Hanggang ngayon buhay na buhay pa dim ang tradisyon na ito. Kailangan lang naman ang may paalay may pabitbit sa sasagala meryenda.Pwedeng zesto biskwit at candy.Ang iba naman binalot na pansit o spageti at softdrinks.Depende kung ano ang bet ipamigay ng aalay.Noong bata ako gusto gusto ko sumagala dahil sa pagkain at kahit sinung bata yun din gusto maging ang mga anak ko.Kakatuwa nga naman eh.Sa katapusan may parada yan lahat ng umalay mga reyna elena naka gown pati mga sagala.Pero ngayon hindi na ako nakakaatend eh pero dinig ko sa amin ang pag-awit ng mga kantura kung tawagin
2 comments
Ganyan talaga ang hilig ng mga kids sis
Minsan na kong naalok niyan na maging reyna elena samin. Kaso wala kami pera nun, kasi sa gown palang laki na ng gastos at yung sa arco na ayos kaya ayun hindi ako nakasali. Maganda rin maexperience yan.