Natatawa po ako sa sarili ko po kaingay kasi tumatambay ako sa may dalampasigan kanina malapit lang sa kalsada para makalanghap ng preskong hangin makikita niyo po iyan sa post ko prior po dito. Sa napaka peaceful Kong pag muni-muni ay bigla nalang may ingay akong naririnig, ingay pala ng ulan sa medyo may kalayuan kaya napabalikwas Ako sa aking kinaupuan at nagtatakbo ng mabilis para hindi ako maabotan ng ulan. Nakapag instant exercise tuloy ako ngayong napaka early morning. Haha at mabuti nalang hindi talaga ako naabutan ng ulan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet