Hello po mga kaingay. Dahil wala na ako masyadong pictures na ma i-share dito pumunta ako sa damohan hahanap sana ako ng gagamba o di kaya ay kulisap pero wala akong nakita eh. Pero may nakita akong mga bulaklak sa damohan at ayon kinukunan ko ng larawan yung bulaklak ng makahiya. Maganda naman pala ang bulaklak na ito lalo na siguro sa malapitan at may halimuyak din siyang kakaiba ang bango pumitas kasi ako ng madalian. Pero hindi na ako masyadong lumapit ng matagal kasi balita ko may ahas daw dito noon hehe..Hindi rin ako gumamit ng zoom sa phone ko baka blurry lang ang larawan. Kung nature lover po kayo kaingay sure ako na ma-appreciate niyo itong kagandahan ng bulaklak ng makahiya.
No comments yet