read.cash Log in
@Geago

@Geago in September 2022

@Geago

Good morning po mga ka-Mema. Gising na po ba ang lahat? Ako kagigising ko pa lang po. Ginising ako ni mama para daw sabay-sabay na kaming kumain baka daw mauubusan ako ng fried rice kapag hindi ako makasabay sa lahat. Heto pala fried rice yung breakfast namin kakaiba ito sa kadalasang iluluto namin kasi maraming sahog na spices at sobrang sarap nito kasi espesyal na luto ni papa. Hindi na rin pala masama na marami kaming tirang rice kagabi kasi masarap din talagang gawing…

@Geago

Good morning po mga ka foodtrip at sa lahat ng mga noisers dito. Kakagising ko lang po medyo matagal din po kasi akong natulog kagabi kaya medyo matagal din akong nagising. Heto pala kaingay may natatanggap na naman kaming biyaya galing sa tita ko "bibingka" ito kung tawagin dito sa amin. Saktong sakto itong isaw-saw sa mainit na kape o di kaya ay Milo. Tara mga ka foodies kain tayo nito bago tayo mag agahan.

@Geago

Good morning mga kaingay. Second day of school ko na ngayon this week kaya maaga akong bumangon para makapunta din ako sa school Ng maaga. Heto at handa na po ang aming agahan ham na muna ang niluto namin para hindi matagalan lutuin. Kain na po tayo kaingay ng makapasok na po tayo sa school o sa trabaho man. Sana maging maganda ang Martes po mating lahat.

@Geago

Gandang hapon mga kaingay. Dahil wala akong klase ngayon pumasyal ako sa bahay ng Tita ko at heto nakikikain ako ng saging. Ang dami pala nilang saging at nahihinog na lahat. Sabi ng Tita ko padalhan niya raw ako pag-uwi ko. Matutuwa nito si mama kasi mahilig siyang kumain ng saging. Sana tapos na po kayong magtangahlian lahat mga kaingay. Manonood muna kami ng movie ng mga pinsan ko.

@Geago

Good morning po mga ka Mema. Thursday na po pala ngayon ang bilis ng araw. Ang sarap po ng aming breakfast ngayon malalaking hipon po. Binili ito ni mama kahapon sa kasamahan niya sa work. Medyo mahal nga lang kasi utang sa kinse niya na bayaran. Ang sarap talaga ng pagkakaluto sa hitsura pa lang. Mag-breakfast na po tayo mga ka Mema. Maaga kaming mag-breakfast ngayon kasi sasabayan na namin ang mama at papa kong may maagang trabaho.

@Geago

Good evening guys kakatapos ko lang po nanood ng TV sa pinsan ko. Doon ako nanood kasi masaya kapag marami eh dito kasi sa amin hindi na kami makapag-ingay kasi maagang natulog sila mama bukas may work pa kasi sila. May balita ako sa inyo mga Ka Mema may bago pa lang app si noise na ilala launch nila few days from now nakapag register na ako kaso lang waiting pa po ako sa invite galing sa ibang users. Basahin niyo lang article ni @Pantera sa read.cash para maliwanagan po…

@Geago

Good morning po mga kaingay. Gusto ko pa sanang matulog kasi ang tagal kong nakatulog kagabi kaya lang nagising ako sa ingay ng aming bubungan sobra kasing lakas ng ulan at may kulog at kidlat pa nakakatakot baka may brownout na naman maya-maya. Kalimitan kasi dito sa amin kapag malakas Ang ulan at may kulog at kidlat ay brownout agad. Sana one time big time lang itong ulan na ito. Yun bang sobrang lakas ng buhos pero madali lang naman matapos. Balik muna ako sa pagtulog ko…

@Geago

Good evening po sa lahat ng maiingay dito. Ngayon pa ako nakapagpost dito kasi Wala si phone kanina. By the way, I just like to post something good for my weary eyes, yung kulay green nga naman sobrang cool sa mata. Good night po sa lahat.

@Geago

Sinong hindi pa tulog diyan? Hindi pa talaga ako nakatulog super ingay kasi kapag makahilik Ang Kapatid ko. Mabuti pa kapatid nag-enjoy na sa Dreamland ako puyat na mata pero hindi parin talaga ako makakatulog. Magbilang kaya ako ng numbers hanggang Isang libo. Hehehe gagawin ko na kaingay.

@Geago

Hello po mga kaingay. Baka may mga hindi pa diyan nakapag register sa noise.app. Medyo marami-rami na kami doon. Mga myembro lang din dito ang nandoon. Baka gusto mo rin mag sign up doon kaingay para magkikita parin tayo doon. Ito po yung link ko Doon "Noise" https://noise.app/Geago

@Geago

Good morning po sa lahat. Ang aga ko pong nagising kasi maaga akong ginising ng Tito ko mapapasama siya ngayong madaling araw sa bayan. Birthday kasi ng pinsan ko at kailangan niyang mamili ng maaga ng mga kakailanganin para sa birthday. Lapangan na naman ito later kaingay at for sure may mag-iinuman na naman nito later. Swak na swak kasi Linggo naman bukas at walang pasok pwedeng magpuyat mamaya sa birthday. See you po mamaya sasamahan ko muna si Tito sa market namin.

@Geago

Good morning po mga kaingay. Kumusta po ang Sunday natong lahat? Ngayon lang ulit ako nakapag update dito kasi na busy ako kahapon sa birthday ng pinsan ko. Tumutulong din ako kahit papaano. Medyo marami din ang taong naki-celebrate sa tito at tita's side ko lang pati narin mga kapitbahay. Mabuti nalang nagkasya ang simpleng handaan.

@Geago

Good morning kaingay, Monday na naman at oras na naman para pumasok sa school. Sabi ng teacher namin by November daw ay every day na ang klase namin ngayon kasi twice a week lang kami punta sa school. Nakakapagod siguro kapag every day na ang klase nakakapagod nga ang dalawang beses lang isang Linggo ang araw-araw pa kaya? Balik adjustment na naman nito mga mag aaral pati narin mga guro. Cge po mga kaingay maghahanda na po ako para makapasok na ako sa school.

@Geago

Gandang hapon po mga kaingay. Isang oras at kalahati nalang at matapos na ang klase namin. Medyo bored ako ngayon sa klase kasi panay discussion lang si teacher wala masyadong activities inaantok tuloy ako. May breaktime pala kami ng 15 minutes sa hapon kaya nakapag-ingay ako saglit. Makulimlim dito sa amin ngayon kaya may pagbabadya ng pag-ulan sana naman hindi lang uulan mamaya. Kumusta po ang hapon ninyo kaingay?

@Geago

Hello po mga ka Mema, good morning po sa lahat. Ayos lang po ba ang Tuesday morning natin? Second day na pala ng klase ko ngayon pero kakagising ko lang mali-late na yata ako ngayon today kasi 7:45 AM ang simula ng klase namin tapos hindi pa ako nakapagahanda parang tinatamad akong mag-aral kaya si mama nagsesermon na sa akin kasi ang tagal ko raw gumising. Okay lang kung mali-late man ako ngayon first time ko pa naman simula ng face to face class. Mag-ingat po tayong lahat…

@Geago

Good morning po mga kaingay. Sarap ng feeling na walang klase. Kaya medyo matagal akong nagising at wala akong ganang kumain ng breakfast. Kaya tinapay lang muna kakainin ko ngayong umaga. Parang breakfast at merienda ko na po ito mga kaingay. Sana naka-merienda narin kayo mga kaingay.

@Geago

Dahil sobrang late na ng breakfast ko kanina na para na pong nagiging lunch, heto at kumakalab na po ang sikmura ko kaya kakain na ako ngayon. Nagluto ako ng ham kasi wala ng ulam na tira kaninang umaga. Lunch and snack ko na naman ito mga kaingay. Tara kain po tayo.

@Geago

Umagang Kay Ganda mga kaingay. Friday na naman po pala bilis ng araw ano. Hindii ako nakapag-update dito kahapon kasi naubos po yung load ko at ngayon niloadan ako ng mama ko kaso hindi ako makapag upload ng photos. Ang hirap pa naman gumawa ng content kapag walang picture. Sobrang antok ko pa sana pero ginising ako ni mama may pinabili siya sa akin kaya kahit antok pa bumangon nalang ako. Babalik nalang ako sa pagtulog mamaya.

@Geago

Nagising po akong bigla mga bandang 11:00 PM at mag-iisang oras na hindi parin ako nakabalik matulog. Napakatahimik na Ng paligid dito sa amin. Wala ng ingay kahit aso at sobrang dilim narin sa labasan nakakatakot din talaga kapag ikaw nalang ang gising pa. Kayo po ba gining pa po?

@Geago

Ganadang umaga mga ka-noisy. Sobrang antok ko pa talaga pero kailangan ng bumangon kailangan ko ng magpunta sa bukid at tumulong sa Tito kong magkopra. Kaya kahit pinagbawalan ako ni mama na magkape ay magkakape parin ako para hindi ako masyadong antukin doon sa bukirin.

@Geago

Ganadang umaga mga kaingay. Kakagising ko lang sobrang napagod kasi ako sa pagkokopra sa bukid kahapon tinulungan ko ang Tito ko. Heto hindi pa ako ganadong kumain ng kanina ngayon kaya tinapay na po muna kakainin ko. Mamaya na ako kakain ng kainin. Nakapag-agahan na siguro kayo mga kaingay ano...sana nabusog po kayo.

@Geago

Good morning po mga kaingay. Wala kaming klase ngayon kasi may seminar daw nga teachers namin. Nag-chat c teacher namin sa GC kagabi na wala daw klase ngayon. Kaya hindi ako maagang bumangon. Kape muna tayo kaingay nagpaalam ako kay mama na magkape ako ngayon at pumayag naman siya basta hindi ko lang daw araw-arawin. Kaya masaya ako kasi yung kape hindi nakakaumay. Nakakaumay na kasi kapag gatas o milo nalang palagi.

@Geago

Gandang morning mga kaingay. Akala ko talaga Monday ngayon kasi ito ang first day of school ko kasi wala kaming pasok kahapon. Ngayon pasokan na naman. Naghahanda na ako for school dahil 7:45 yung start ng klase at dapat a hindi na ako ma late ngayon kasi noong nakaraang Linggo may isa day akong late mga 20 minutes yata yung late ko kaya dapat hindi na ako mali-late. Malapit na kaming makaluto ng breakfast. Kakain na kami ng agahan maya-maya at gura na papuntang school medyo…

@Geago

Gandang morning mga kaingay. Naatasan ako ngayong umaga na mag-ihaw ng bangus para sa agahan. Okay lang naman marami naman kaming uling dahil sa bagyong Odette noon yung mga natumbang kahoy ay pinauling namin at nagkaroon kami ng share na tatlong sako kaya ayos lang kung minsan mag-ihaw kami ng isda kahit sa umaga pa yan madali lang naman lulutuin.

@Geago

Good morning po mga ka noisy. Hindi ako makapaniwala na mabibigyan pa po ako Ng free BCH kahapon pagtingin ko sa wallet may dumating po na BCH. Thankful talaga ako na nabigyan ako kahit Hindi po ako regular na active dito. Sana mas lalo pa pong gumanda Ang platform na ito para ra atong lahat. Thank yo po sa anonymous donor malaking tulong na po itong BCH na binigay mo.

@Geago

Good morning mga ka noisy. Nadaanan pala namin itong mga bulaklak sa cemetery ng aming bayad at na curious lang talaga ako na bakit may maraming bulaklak na ganito sa cemetery hindi ko ito nakikita sa ibang lugar masyado pero sa cemetery qng dami nito. I am not sure anong pangalan ng bulaklak na ito pero maganda siya na parang gumagapang sa mga pader.

@Geago

Magandang buhay mga ka Mema. Kumusta po ang umaga nating lahat? Ako heto maagang bumangon kahit walang klase may pinabili kasi sa akin si mama. Usually kapag walang klase mga 8:00 am na ako babangon. Hindi na ako nito makabalik matulog kaya nag-iinit nalang akonng tubing at makapag-kape. Magkape ako ngayon kasi hindi naman ako nakapagkape this week kaya okay lang minsan lang naman nakakasawa na rin kasi ang Milo at gatas.

@Geago

Good morning mga ka noisy. Medyo malamig ngayon ang umaga. Ber months na kasi kaya nagsimula ng lumamig ang simoy ng hanging. Sobrang anghang pa sana ng mata ko pero ginising po ako ng maaga para bumili ng sabon. Maglalaba daw kasi si mama ng maaga ngayon. Kaya na nakunan ko tuloy ng picture ang labas ng bahay namin.

@Geago

Good morning po mga ka Mema. Kahit antok pa sana ako pero kailangan ng bumangon kasi may pinabili sa akin sa tindahan. Kaya while NASA labas minabuti ko na ring kunan ang mayana flower na nasa aming bakuran. Ang ganda ng flowers niya mga ka-Mema.

@Geago

Good morning po mga ka-noisy. May bagyo po pala ngayon at apektado po ang Luzon at Mindanao. Dito naman po sa amin sa Visayas ay paulan-ulan din at may hangin din na may katamtaman ang lakas pero may pasok parin kami ngayon. Kaya heto at mag-breakfast na ako hotdog po ang ulam ko mga ka-noisy. Mag-ingat po tayong lahat lalo na po sa mga lugar na apektado masyado sa bagyong Karding.

@Geago

Good morning po mga ka-Mema. Kumusta po ang tulog nating lahat? Sana ay maayos lang ang gising po ninyo lalo na po ang mga lugar na apektado ng bagyong Karding sana maayos lang po kayo. Papasok na po pala ako kakatapos ko lang po kumain ng agahan. Medyo maaga pa ngayong ipasok sa school pero mainam na ito kaysa late. Yung labas po diyan ngayon sa bahay don't forget to bring umbrella. Keep safe po tayong lahat mga kaingay.

@Geago

Good evening po mga ka noisy, nakatulog na sana ako pero nagising ako dahil sa kapitbahay naming nag videoke parin hanggang ngayon may birthday po kasi sa kanila kaya kapag nakakanta wagas. Sobrang tagal nila matapos magkantahan parang 2 pm pa yata sila nag-start hanggang ngayon birit parin ng birit kahit mga lasing na palibahasa kasi wala silang maagang work kinabukasan kasi panay magsasaka sila kaya hawak nila kanilang oras sa pagtatrabaho. Sya mga ka noisy pilitin ko pong…

@Geago

Good morning mga ka noisy. Ang aga kong nakarating sa school namin. 6:45 AM pa lang nandito na ako sa school. Ewan ko ba parang excited ako ngayong araw na itong pumasok. While I am waiting sa aming first subject nakatuwaan kong mag-sketch Ng favorite kong anime characters. Hindi ako magaling mag-sketch nagpa-practice pa lang ako hehehe... Pagtiyagaan nyo muna ito mga ka-friendship.

@Geago

Good morning mga ka-Mema. Nakatuwaan kung mag-sketch a while ago kasi sobrang early kong dumating sa school kaya nakapag-sketch tuloy ako ng marami-rami. Noong elementary days ko pa talagang nakatuwaan ang mag-sketch ng mga favorite anime ko pero noong na hook na ako sa kakalaro ng online games hindi ko na gaanong nakahiligan ito. Siguro babalik ako sa pag-sketch kasi binilhan ako ni mama ng sketch pad sayang naman kapag hindi ko nagagamit.

@Geago

Good evening mga ka-noisy. Ang dami ko na palang unread posts dito. This just mean that I was not able to get so active here. Wala kasing masyadong signal dito sa amin kaya hindi ako nakapag-active dito ngayon. I will try to be active now pero andito ako sa labas ng bahay eh at parang uulan yata dahil sa kulog at kidlat. Naku baka hindi pa tuluyang namaalam si Karding.

@Geago

Good morning po mga ka-share. Gising na po ba kayo? Sana maayos ang tulog po ninyo dahil kapag maayos ang tulog maganda rin ang gising. Ang ginaw dito sa amin ngayon dahil ito sa kakatapos lang na ulan. Inaantok pa talaga ako pero nagising ako ok dahil sa call of nature. Pero narito na uli ako sa bed at nagbabakasakaling makatulog muli. Ayos lang kung makatulog ako ulit wala naman akong pasok ngayon.

@Geago

Good morning po mga ka-noisy. Natatawa po ako sa inihaw kong karneng baboy kasi nasunog. Minsan na nga lang akong makapag-ihaw eh nasunog pa hehehe... Si mama nagagalit sa akin kasi mapait kainin Ang nasusunog na karne. Hay naku talagang dahil ito sa uling ang bilis kasing umaaapoy. Mag-breakfast na po tayo ka-noisy. Pagtiyagaan nalang muna natin itong sunog na ulam.

@Geago

Hello po mga friends. Swerte ako ngayon kasi may nagbigay sa akin ng food for snack. Ang saya talaga kapag may tita kang mababait kasi kung anong food ang mayroon sila i-share talaga nila sa amin. Ayos talaga ito kasi nakalibre ako ng snack ngayong umaga. Halika friends mag-snack tayo. Masarap itong kainain kasi ma-init-init pa.