Gabi na naman mga kaingay, kumusta po ang buong maghapon ninyo? Kami ay okay lang naman,nakainom ng gamot ang anak ko ngayong hapon dahil pinilit ko kahit ayaw nya kaya bumaba ang lagnat nya. Kung sana kahapon ay uminom siya baka ngayon sinat nalang, kaso simula nung nag inom siya ng citirizine ay hindi na talaga siya natanggap kahit vitamins nya. Nadala siguro sa lasa ng citirizine kaya hindi na siya umiinom ng kahit na ano. Dati kapag sinabi kong vitamins tatakbo agad sakin kukunin yung dropper, ngayon tumatakbo pa din naman siya pero palayo na. Siguro iniisip nyang baka citirizine na naman ipainom ko sa kanya kaya tumatakbo na para magtago. Sana ay magtuloy tuloy ng mawala lagnat nya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet