I took this photo from last night, and naalala ko bigla ang sabi sakin ng nanay ko noon. Sabi nya, noong bata pa siya wala pa silang radyo at lalong walang TV dahil sobrang mahal daw kaya di nila kayang bumili ng TV at radyo. Kaya naman para malaman daw ng mga magulang nya, kung magiging maganda ang panahon sa mga susunod na araw or linggo, lagi dS nilang tinitingnan ang buwan. At kapag daw ang buwan ay may nakapalibot na parang kulay orange sa paligid nito, ibig sabihin daw nun may bagyong paparating. At kapag wala, ibig sabihin daw ay magiging maaliwalas ang panahon. May araw at walang ulan kaya pagkakataon na nilang makapag patuyo ng mga palay. 😁 Kayo ba may kwento din ba kayong ganun? Good morning noiser's.
7 comments
Meron nga mga tao na nag base sa hitsura ng buwan lalo na kapag magtatanim.
Oo nga sis, dun daw nila binabasa ang magiging klima ng mga susunod na araw
Kami naman meron din pag daw bilog ang buwan lalabas raw ang aswang Yan ang sabi ng magulang ko hahahah pero scam pala yun
Hahahha naku oo. Narinig ko din yan..hahaha
What I remember sa buwan is humingi ng tinapay😅. Sabi kasi ng nanay ko ej
Hahahaha kwentong pambata talaga noh? Yung kwento ng nanay ko parang seryoso naman kasi about sa weather.😂
Ang ganda ng capture mo sissy, maganda sana yan nong Halloween ayieee