Ang aga kong nagising, kahit late na akong nakatulog kagabi. Pano ba naman kasi yung mga kapitbahay namin ang iingay. Itong nangugupahan dito sa kabila grabeh kung mag usap usap kagabi akala mo sampung kilometro ang layo sa isa't isa eh, sigawan eh. Parang pakiramdam nila sila lang nakatira sa lugar na to. Mga walang konsiderasyon eh. Yung sa kabila naman, hindi ko alam pano sila nakakatulog na may tutang panay iyak. Naku ang aga kong magreklamo, hahahahaha sorna. Good morning Philippines.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet