Ang aga nyang nagkalat, pero Ok lang. Masaya akong makita siyang unti unti ng nagbabalik sigla. Mas okay na yung paulit ulit akong mag ayos ng kalat nya kesa paulit ulit ko siyang maririnig na umiiyak. Sana magtuloy tuloy na ang kanyang paggaling para maging makulit na naman siya gaya ng dati. Anyway huwebes na naman po mga kaingay. Ako ngayon ay maglalaba naman dahil ilang araw akong hindi nakapag laba kaya medyo tambak na. Pero hindi naman masyadong madudumi mga labahan ko dahil sa loob lang naman kami ng bahay kaya mabilisang kusot lang yun ay okay na. Siya magbabad muna ako ng mga labahan mga kaingay balikan ko kayo maya maya. Magandang umaga.
No comments yet