read.cash Log in
@Gabbbyyy08

Hirap

Urian Danilo Jr.I F. Urian DDGT 3A G1 "FaceMask" Isang maliit na tela pero malaki ang halaga Dahil sayo'y buhay ng lahat ay maaring maisalba Milyong tao na ikaw ang pumoprotekta Kaya naman may mga taong nais sayo'y magsamantala presyo mong mura ay halos doblehin nila. Pero ang tanong hanggang kailan ka namin makakasama? ito ba'y mawawala pa o panghabang buhay na ? Makakaranas pa ba kami huminga ng wala ka ? Ohh!! baka nman sa mukha namin ay maging permanente ka? Alam namin ngayon ikaw ang bida Bukod sa doctor,nurse,ordinaryong tao ay hanap ka Maging makikisig na sundalo ay suot ka nakakatawa diba? dahil pati matatamis na ngiti ay halos takpan mo na ! Sa sobrang halaga mo nga ay gusto na kitang itapon ! Gusto ko ng lumabas ng hindi kita baon !! Kaya sana ngayong may pandemic sa ating bansa tayo'y magkaisa,kapwa natin ay ating isalba. Pagdarasal ang ating maging sandalan Upang puso't isipan natin ay magkaroon ng kapayapaan Lagi tayong maging positibo sa lahat ng bagay pero h'wag maging positibo virus na satin ay maaaring pumatay Dahil bukas may isang umaga sa atin ang nag-aantay Mga naikubling ngiti natin ay maaari na muling ipamigay . Magiging Covid free na ang buong mundo at yun ang ating pinakahihintay ! Kaya salamat sa iyo dahil panahon ng pandemic ikaw ang aming naging sandata , Pero sana dumating na yung panahon na sa tanging mga propesyonal at sa ibang tao ka nalang may halaga !.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.