Virus
PAG - ASA Ang mundong binabalot ng sakit May pag – asa pa bang makakamit ? Pag – asa, pag - asa para sa isang pamilyang naghihikahos Walang trabaho, walang kita, walang pagpipilian kundi ang magtiis Magtiis sa gutom at hirap ng buhay sa krisis na ito May pag – asa paba, may pag – asa pa bang sila’y muling makakain ng wasto Pag – asa, pag – asa para sa mga positibong pasyente Mga pasyenteng nag iisa sa apat na sulok ng kwarto, walang kausap na parang preso Mga pasyenteng umaasang sila’y gumaling at makabalik sa kanilang pamilya May pag – asa pa ba, may pag asa pa bang sila’y makaligtas sa sakit na ito Pag – asa, pag - asa para sa mga doktor, pulis o sundalo mga taong nagpoprotekta sa atin Mga taong nagtiis, nagtiis na hindi mahagkan ang sarili nilang pamilya Mga taong takot, takot na mahawahan ng sakit ang kanilang anak, asawa, ama o ina May pag – asa pa ba, may pag – asa pa bang pamilya nila’y muling mahagkan Patagal ng patagal, mga namamatay at positibo’y padami ng padami Ilang oras, araw, linggo o buwan pa ba ang ating bibilangin Nasaan na, nasaan na ang lunas na ating hinihiling May pag – asa paba, may pag – asa pa bang positibo’y mabawasan May pag – asa pa, may pag - asa pang muling makakain ng wasto May pag – asa pa, may pag – asa pang lahat ay makaligtas May pag – asa pa, may pag – asa pang pamilya’y muling mahagkan May pag – asa pa, may pag – asa pang postibo’y mabawasan Oo, Oo may pag – asa pa dahil sa Dyos laging may pag – asa Tayo’y matutong sumunod at magdasal Upang pag – asang hinihiling, ay ating makamtan May pag – asa pa para sa lahat, Oo, may pag – asa pa May Pag – asa pa
3 comments
Matatapos din lahat ng ito. Tiwala lang at makakaya ng lahat🙏🙏
tayo ay mag tiwala lang sa poong may kapal. samahan ng dasal at disiplina sa sarili upang ito ay tuluyang lumayo na.
Oo kaibigan, hanggat may buhay Tayo may pag asa. Wag na wag ka mawawalan nun, kase Yun na Lang Ang Laban mo para mabuhay. Ang umasa pa na may pag asa!