read.cash Log in
@Gabbbyyy08

Sakuna

ECQ bawal ang hawak hindi maka tagay ng alak bawal ang yakap bawal ang halik paano tayo makakabalik magingat ka sa mga taong lumalapit pigilan ang pananabik sa mga pagkaing kasabik sabik alamin muna kung saan sila napadpad kung saang dako sila lumipad sa ngayon manatili sa tahanan kasama ang pamilya ang sabi ng mga nakakataas "ginagawa namin ito upang kayo ay maprotektahan" nagmistulang preso ang mga taong walang kasalanan nag mistulang impyernyo ang ating tahanan sa pag ka init ng ating lugar Pa ano makakapag bayad ng utang kung walang ayuda ang tanging paraan ay ang lumayo ngayon alam ko na kung bakit sinasabi nila kung baki bawal lumabas simple lang para makaiwas sa sakit. Pagapulangan, John Phol Josua " Silang magagaling " Ngayong quarantine ay nararanasan natin ang maging masunurin, sa kabila ng panahong nakaka itim ay kailangan pa ding manatili sa sariling lilim. Hindi para tayo'y umasa sa kanila, kundi dahil sila'y umaasa sa atin. Umaasa na tayo'y di muna lilisan, dahil sabi naman nila ito'y saglit na lamang. Ngunit bakit tila ang iba'y nakakalat sa labas? Ni wala nga ho kaming nakuhang bigas, pati ang sardinas ay pinag lilimas. Ang ayudang para sa lahat, ginawang pang laman tiyan na lamang. Yan ang nakakapag taka, bakit ganito pa din kahit tayo'y nasa pandemya. Ibang taong madadaya ang namamahala, taong walang wala naman ang nagiging kawawa. Kaya sana sa paglipas nito, tayong mga tao ay matuto, alamin kung sino ang mga dapat iboto. Nawa'y nako po wag ng mag pa-uto. Dahil minsan sarili nating lahi ang mismong kalaban.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.