Pandemic
"DIVERSION" Pst!! Saan ka pupunta? Hindi ba bawal muna ang lumabas? Nabuburyo ka na? Gusto mo ng gumala? Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Manatili muna sa inyong mga tahanan Kung ayaw mong bukas ika'y paglamayan Kaya tiis-tiis lang muna, sumunod sa mga patakaran Para ang mundo, bukas, ay iyong masilayan. Nag-iisip ng gagawin para di mainip? Hala! Sige, linisin ang iyong tahanan Suyurin bawat kasuluk-sulukan Baka mamaya may naitago ka pa lang yaman. Pati bubungan iyo ng walisan Mga tanim sa bakuran, iyo na ding dagdagan Para kahit matagalan ang relief ni kapitan May panlaman ka pa rin sa iyong tiyan. Naubusan na ng gawain? Tara't maghatid naman ng kasiyahan Mga nauusong libangan sa social media Tiktok, dubsmash atin ng subukan Sa ganitong panahon, kanya-kanya tayo ng trip Kanya-kanyang pakulo, kanya-kanyang gimik Kanya-kanya ng paraan para libangin ang sarili At di maisip na may kinakaharap na pandemic.
No comments yet