read.cash Log in
@Gabbbyyy08

Nurse

Pagpupugay Saludo kami , sa walang sawang pagod niyo Sakripisyo para sa bayan Sa araw araw na pag bangon Delikado man ang mundo na sinabak niyo Hinaharap pa rin ang tungkulin Upang makapag bigay ng serbisyo sa ibang tao Sinu-sino nga ba itong mga taong nag lingkod para sa atin ? Sundalo, pulis, doctor at Nurses Na walang sawang alagaan at pag lingkuran tayo Sa iba pang tao na may kakayahan Na tumulong maibsan ang gutom ng bayan Sila ang mga taong laging abala Para sa kaligtasan ng iba Bawat pawis, kapalit ay maraming buhay Bawat pagod, ay tinitiis Sa bawat pananabik na makauwi Sa tahanan ay dala ang ngiti Ou. Silang lahat Sila ang mga taong magigiting Sa modernong panahon ngayon Bayani kung maituturing natin Hindi sapat ang salitang salamat Sa serbisyo, na kahit kailan man hindi binitawan Buhay man ay mapahamak Kaligtasan naman ang kapalit Bilang pagpupugay Sa tungkuling hindi sinukuan Ang tanging hiling ko lamang Dasal ang lunas Sa laban na tinatahak Ama, alam namin ikaw ang kasagutan Gamit ang talento ng mga hinirang na bayani Binigyan mo sila ng lakas na nag silbing sandata Upang mailigtas ang lahat Sa pag subok na hinaharap.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.