read.cash Log in
@Gabbbyyy08

Kalamidad

"KRISIS" Mga bansang pilit bumabangon, lumalaban, at ang tanging hiling ay ang mapagtagumpayan ang nararanasang unos At ang nagsisilbing inspirasyon upang ang pananalig ay di maupos. Ang bayanihan ay hindi mamatay tahimik ang paligid ngunit ang pagtutulungan ay buhay Ang mga kamay ay bukas upang tumulong manalig lamang tayo sa kanya at tayo ay muling susulong Krisis na nagpamulat sa bawat isa na ang bawat segundo sa buhay ay mahalaga Ating mga mahal sa buhay ay pahalagahan pati na rin ang ating kalikasan Modernong mga bayani na sa ulan ng problema ay patuloy na nagsisilbi Frontliners na hindi inaalintana ang puyat, hirap at pagod nararapat na magpasalamat tayo sa kanila ng lugod Mga lider na umaksyon at humanap ng konkretong solusyon upang tulungan ang mga mamayang umahon Tila tayo'y nakagapos sa tanikala, wari mo'y laging kinakapos sa oras ngayo'y nagkaroon ng pagkakataong mayakap ang pamilya at makalaya sa posas Ang ingay ng pagtutulungan ay naghahari sa ating paligid nagpapakita na sa mundong ito tayong lahat ay magkakapatid Huwag sumuko, dahil sama-sama tulong-tulong malalapagsan natin ito Ang krisis na ito ay matatapos ngunit ang pagiging bayani ng bawat isa ay habang buhay sa ating hahaplos Saludo sa mga taong handang magkusa Na kahit sa panahon ng pagluluksa at dusa ay mayroong PAG-ASA

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.