--- Minsan Sa Damdamin --- Sa kakaiba mong tinig... Tila bingi itong pandinig... At minsan ko lang nakamit... Sa damdamin 'di na nawaglit... Sa minsanang pagsasama... Tila manhid itong pandama... At minsan ka lang nahagkan... Sa damdami'y 'di na lumisan... Sa mahigpit mong yakap... Tila ako ang hinahanap... At minsan mo lang dinasal... Sa damdamin 'di na natanggal... Ngayon sa bawat sandali... Tila pipi't walang masabi... Ang minsan nating nabanggit... Damdami'y inuulit-ulit... Kay hirap nga unawain... Tila mangmang, hirap isipin... Damdamin pagkadamhin man... Sa puso ay kulang ang minsan... by:giboedecastro
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet