read.cash Log in
F@Florenciayurag

@Florenciayurag in February 2022

F@Florenciayurag

Gusto ko lang naman masubukan yang paglalaro Ng axie..tapos yan pa napala ko. Sa ganyang halaga sisirain Niya pangalan Niya..hay naku..higit pa Jan Ang mawawala sa kanya.si lord na bahala Sayo dear. Sensya na po kayo..hindi maganda Ang gabi ko e

F@Florenciayurag

Hindi ko alam kung ano Ang nangyayari sa mga balat Ng mga anak ko ngayon.. Gastos na naman po..Ang laki na Ng pinayat Ng bunso ko.. Sabi nila tipdas daw..tumawag Ako sa ate ko tinanong Niya sa matatanda dun sa kanila hangga daw at tipdas.. Isang linggo din nanatili sa balat nila yun..buti ngayon medyo ok na. Nagbalat balat sila.. Good evening po pala sa inyong lahat..

F@Florenciayurag

Magandang tanghali po sa inyong lahat.. Share ko lang tong kwintas na gusto Kong bilhin in the future..pag may extra nako .. Sana lang . Good investment daw po yan..

F@Florenciayurag

Gandang pagabi po.. Bukas na Ang fiesta dito sa brgy. Lourdes, minalin, pampanga..nang dahil sa pandemic hindi masyadong Masaya Ang fiesta..3 times nang hindi masyadong Masaya.. Sana matapos na tong pandemic na kinakaharap natin ngayon.. Para naman everybody HAPPY.. Diba guys.. God bless us all po.. Dinggin nawa Ng poong maykapal Ang ating mga panalangin..AMEN

F@Florenciayurag

Happy fiesta baranggay Lourdes, minalin, pampanga.. February 11,2022.. Viva! Viva ! Apong Lourdes .. Salamat po sa lahat Ng mga magagandang nangyari sa amin..maraming salamat din po kahit may mga pagsubok na dumating sa amin hindi mo kami pinabayaan..amen God bless us all..

F@Florenciayurag

Habang nasa simbahan kami nagsisimba nag picture Ang panganay ko..Sabi ko Kasi wag siya maglaro sa cellphone habang nasa simbahan..Ang ginawa nalang Niya nag picture nalang..kulit talaga.. Magandang gabi po.. Nagtagay kami Ng byenan ko kanina kasama mga pamangkin Niya..San Miguel apple lang naman yun..at dahil bihira lang Ako uminom e naka dalawang bote lang Ako nahihilo na agad ..at nanlalambot Ang aking mga tuhod ..napipikit din Ang aking mga mata . Good night na…

F@Florenciayurag

Good evening po.. Tumawag sa group chat Ang Isa Kong ate..lasing pala siya..hindi Ako makapagsalita Ng maayos Kasi hindi naman namin alam kung ano nangyari..iyak Ng iyak tapos nag mumura pa..ganun pala pag nalalasing hehe. Sigurado Ako bukas na bukas mababasa niya to..pero mahal ko yun wag kayo.. Love ate ko .. Para lang may maipost Ako dito..Wala kasing maisip e..

F@Florenciayurag

Hello po good evening sa lahat.. Hindi ko Kasi nakuhanan Ng litrato Ang pag uusap naming magkakapatid sa side Ng papa ko..yung kapatid ko na panganay na matagal na naming hinahanap.. finally Nakita nadin namin..hindi Niya Ako Kilala Kasi 1993 pa siya umalis samin..e 1995 Ako pinanganak..nasa pantog pa ata Ako Ng tatay ko hehehe..napakagandang Balita yun lalong Lalo na sa tatay namin..Kasi Nakita Niya na din sa wakas Ang panganay Niya ..

F@Florenciayurag

Kinabit ko yung inorder Kong LED light sa shopee para sa kwarto namin..kinuhanan pala Ako Ng litrato Ng bunso ko..tuwang tuwa sila sa Led..palibhasa bata kaya mababaw lang Ang kaligayahan..hindi Ako masyadong bumibili Ng kung ano ano Kasi Wala pa kaming sariling Bahay..saka nalang pag meron na..

F@Florenciayurag

Hi guys.. Dahil may nagrent Ng videoke namin kanina Ayan nasa baba Ang tv kakasauli lang kaninang hapon..dahil Wala si mister, kung sino sino inutusan ko maghatid at kumuha..hehe.. Syempre may pakonswelo din yung mga inutusan ko para makaulit uli.. Yung tv kaya Kong buhatin pero yung katawan Ng videoke Ang Bigat haha

F@Florenciayurag

Ganito Ang gusto Kong design Ng study table para sa anak ko..Kasi pwede din maging storage..pwede din naman siyang dalhin kung sakaling makapagpagawa na kami Ng sariling Bahay.. Mag iipon muna Ang aking partner para matupad Niya yun..

F@Florenciayurag

Updated na Yung kanta Niya pati songbook.. Wireless microphone and battery rechargeable na din.. Ready na para parentahan.. Thank you po Lord sa another blessing po.. #feelingBless #thankful

F@Florenciayurag

Morning module Ng aking panganay.. Napakatamad similar .Ang daming excuses.. Malapit na pa naman mag face to face classes..panu kaya siya nun.. Hay naku..napakahirap talaga magmodule Lalo na kung marami siyang nakikitang bata na naglalaro.. Habang naglalaba Lola Niya nagmomodule kami ..

F@Florenciayurag

Good evening guys.. dinner time .. Pancit Canton Ang ulam ko..ulam Ng bunso ko hotdog...yung panganay naman sabaw Ng paksiw na galunggong.. Kayo guys ano ulam ninyo .. Sakin pwede na yan hehe at least matutulog knag may laman Ang tyan..

F@Florenciayurag

Good morning guys..naghihimay kami Ng malunggay para sa aming mongo mamayang tanghalian.. Di pa nga kami nag almusal tanghalian na agad Ang lulutuin haha.. Nakabili Kasi kami Ng fresh na tilapya kaya pinarisan ko Ng mongo.. Sherep nun guys..

F@Florenciayurag

Module na naman po..pasahan na Kasi bukas kaya dapat matapos na ngayon..natambakan na Ng module Kasi sunod sunod Ang sakit na naranasan Ng aking panganay..simula nung December..buti ngayon ok na..

F@Florenciayurag

Get well papa.. Mag ingat Kasi palagi para iwas disgrasya.. Sabagay Wala naman taong may alam kung kelan darating Ang disgrasya..pero ugaliing mag ingat palagi kahit ano man Ang ating ginagawa Araw Araw.. Pagaling ka papa.. Buti nalang walang natamaang ugat at buto..