read.cash Log in
@FiveKs

Miniso Life 💖 OIC Cashier Hello Dear Friends 😊 It's already 12:32am and i am still awake. Actually me and my ay gising pa . Paano ba naman natulog ng 8:30pm tapos nagising ng quarter to 12midnight . Edi ngayon mulaga pa kaminh dalawa. Anyway Hi way pa throwback nalang po ako. Buhay working pa ako dyan ,panahong daming dami kong nahahawakan na pera pero di naman sa akin 😁 Buhay cashier hindi ka pede ma short or elase bawas sahod mo. Hindi din pede mag sobra kasw papagawin ka ng report bakit sumubra . Mabuti nalang sa ilang taon ko pagkahera twice or thrice yata ako na short pero yung sobra ala di mabilang. Anong gagawin ko ei ayaw naman kuhain ng customer pag singko na sukli . Pero meron din namang customer na ultimo singko pag di ka nagbigay ay naku magpapa CS pa or Customer Service. Alam nyo ba madalas na ganyan ay mga senior or yung may mga kaya pa talaga. Kaya siguro talaga sila yumaman kase ultimo singko di nila palalampasin. Osya at napahaba na naman ei. Napasarap ako ng kwento.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.