read.cash Log in
@FiveKs more from that month

My Little Buddy 😊❤️ Ang mundo ko ay biglang nag iba Simula palang nung unang masilayan kita. Binigay ka ng Diyos Ama . Regalong kay ganda na walang katumbas na halaga. Alam mo ba anak ang dami mong binago sa buhay ko. Unang una na sa aking katawan . Dating maliit na bewang ngayon ay lumaki na. Dating payat at magaan na timbang . Ngayon ay nadagdagan na. Dati nakakagala ako na walang kasama,Ngayon ibang iba na. Bawat galaw ko andyan ka. Maging sa pagkain,pagligo at pag cr ,o pamamalengke ay kasama kita. Walang oras o araw na hindi tayo magkasama. Sa pagtulog nga halos ayaw mong iwanan kita. Ganyan tayong dalawa anak simula nung nasa tiyan palang kita, hanggang sa masilayan mo na ang mundong nilikha ni Bathala. Dati rati Kung saan saan ako nakakarating na walang inaalala. Na baka may batang magutom o umiiyak dahil wala ako. Ngayon pag gising palang sa umaga iniisip ko na kung ano ang aking ihahanda para makakain ka. iniisip ko din kung saan kita igagala, Yung hindi ka mapapahamak o masasaktan nalang bigla. Anak mahal na mahal ka ni Mommy kahit noong hindi pa tayo nagkikita. Alam mo ba na para sa akin hindi lang kita basta anak ,kundi kaibigan at partner ko sa lahat ng oras. Pinapasaya mo ako sa mga simpleng tawa mo . Binubusog mo ako sa mga yakap mo. Salamat anak sa kulitan nating dalawa. Hiling ko lang kapag malaki kana ,huwag mo sanang kalimutan ang masasaya nating alaala. Dumating man ang araw na hindi na ako ang gusto mong makasama. Tandaan mo lang palagi na meron kang isang Ina. Hindi hindi ka pagsasawaan at Mahal na mahal ka. Handang umalalay sayo anuman ang pagdaanan mo. Tandaan mo hanggat malakas ako ,hanggatay buhay ako ,Hinding hindi ka mawawala sa isipan at sa puso ko. Lalong hinding hindi ko makakalimutan kung gaano mo ako pinasaya nag dhmating ka sa bubay ko. Sana po nagustuhan nyo mga kaibigan ang sinulat ko para sa mga anak. #OriginalContentNiAzlyn

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.