read.cash Log in
@FiveKs more from that month

Good morning dear friends . Tulog pa si Baby ko kaya naman sinamantala ko na bumisita sa garden namin. Malulusog pa din yung mga talong at namumunga pa din. Kakatuwa parang hindi nauubusan sila ng bunga. Iba talaga kapag sinishare sa iba ang biyaya, bumabalik ng higit pa sa ibinigay mo. Yan kase mga kaibigan hinahayaan nalang namin na kung sino may gusto pumitas ay pumitas nalang ,basta wag lang kunin yung mga hindi pa pwede. Madamo dami na fin amg nakakuha dyan sa talong namin. Ilang kapitbahay na din at mga by passer ang nakinabang dyan. Nakakatuwa lang kase ang yabong ng mga bunga nya , talagang laging may bunga ei. Kaya mga kaibigan kung tayo naman ay nakakaluwag hindi masamang tumulong ha, basta dun sa alam natin na nangangailangan talaga. Si God nakakakita sa lahat ng gawa natin mabuti o masama alam Niya yan. So paano Ingat po kayong lahat sa araw na ito. Pagpalain tayo ng Panginoon .

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.