Gusto mo munang magpahinga,
Gusto mo munang huminga
Kasi parang nakakapagod na
Yung sabay-sabay at paulit ulit na problema
Gusto mo munang magpahinga
Gusto mo munang ipahinga ang mata mo,
ang tenga mo, ang puso mo, ang buong ikaw
sa ingay at gulo ng mundo
Nakakapagod na
Nakakapagod na mag panggap na okay ka
Nakakapagod na maging matatag at idaan sa tawa
Para lang mapakita mong matapang ka
Gusto mo muna magpahinga
Kasi nakakapagod din minsan ang mundo
Yung para bang kahit anong gawin mong tayo
Ibabagsak ng kalawakan ang lahat para masubukan ang tibay mo
Masyadong makulay ang mundo mo
Puno ng adventure, saya at lungkot ang kulay nito
Pero okay lang kasi di ka nabubuhay para mabuhay lang
Kailangan mo lang ng isang tahimik na espasyo
Gusto mo muna magpahinga
Hindi para sumuko na
Kundi para mabakante muna ang isip at puso
Sa mga responsibilidad na binato ng mundo
Minsan mapagbiro din ang problema,
Ayaw nila ng paisa isa
Gusto lahat sila ay bida
Kaya minsan gusto mo na lang talikuran na
Kinalimutan mo ang dating ikaw
Lumayo ka para di na sya matanaw
Pero kahit gaano ka pa naging matibay
Dadalawin ka pa rin nya para ipaalala sayo na
Okay lang umiyak, okay lang huminto
Okay lang hindi maging okay
Na okay lang mag pahinga
Basta bukas pag gising mo dapat okay ka na
Okay lang na walang nakaalam
Okay lang na walang nakarinig
Dahil lahat ng tao may kanya kanyang dinadala
At hindi lahat maiintindihan ka
Walang magliligtas sayo kundi sarili mo
Hindi sya, hindi sila, kundi ikaw
Kaya okay lang yan, magpahinga kung gusto ng pag hinga
Basta bukas pagbangon mo, sana magaan na yang nararamdaman mo.
Tatawa ka na ulit ng walang halong pagpapanggap,
Alam kong matibay ka na, pero tibayan mo pa
Matatapos din ang lahat, pahinga lang,
Tas tuloy ulit ang laban sa buhay bukas.
Loved the poem! 💚 Yes, lahat tayo gusto munang huminga at magpahinga ate. Isasama ko sa list ko nang isusulat ang tula, just like before hehe