read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Nais ko lang ibahagi ang kabutihan ng ating Panginoon. Kahapon kasi habang kasama ko ang mga ma- BEAUTY kong mga kaibigan (inside in out.)🙃 Tinawag nila ako dahil may pupuntahan lang daw kami kaya kailangan nila ako baka mabigat ang bibilhin nila. Pero noong nakarating kami akala ko magpapa check up lang muna sila sa isang Optical Clinic para sa kanilang mga mata at pasukat ng eyeglasses nila. Nagtaka ako bakit ako yun nililista nila ng pag fill-up na sa form para magpapa check up. Kaya naman pala tinawag nila ako dahil plano nila pala akong regaluhan ng eyeglasses para daw mas malinaw ang aking mga mata pagdating sa paghahanap ng mga inCHICKSto.😁 Kaya ayun napa check up ng wala sa oras at maganda naman talaga para malaman kung anong grado ng mata ko. At para na din may protection lalo na lumalabo kung laging babad sa computer at cellphone maghapon. Napaisip lang ako bigla sa convo namin ng Doktora. Ganito ang eksena... Sabihin mo sakin kung mabasa mo ng maliwanag o malabo ha.🙃 " Mabasa mo ba ng maliwanag? Opo Doc. Ito malabo ba?. Opo Doc. Malilit na kasi." Ay ganun pala parang relasyon lang, "Minsan Maliwanag, Minsan Malabo. Yung akala mong okay na pero hindi pala." Muli nais kong pasalamatan ang ating Panginoon at binigyan niya ako ng mga kaibigan na naging instrumento nang pagpapala para sa iba. Diko na babangitin kanilang mga Pangalan dahil si Lord nalang ang patuloy na magbigay sa kanila ng lubos lubos na biyaya para sa kanila at sa kanilang pamilya. Ang sa akin naman ay suklian ko ng simpleng paraan na ayon sa aking makakaya at kakayanan. Purihin ang Diyos magpakailanman. Have a blessed Sunday sa ating lahat

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.