read.cash Log in
@Fherdz

Magandang paalala sa atin ang verse natin ngayong na kahit nagawan tayo ng mali ng kapwa natin, ay patawarin natin sila at gawan pa natin ng kabutihan. Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat. - 1 Tesalonica 5:15 Minsan kung nasaktan tayo o nagawan tayo ng masama ng kapwa natin, madalas gusto natin makabawi. Best case scenario ay pababayaan nalang natin pero may galit o inis padin sa puso natin. At kung magiging honest tayo, mahirap magpatawad lalo na kung mabigat ang ginawa sa atin. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Madalas kasi ang definition natin ng pagpapatawad ay “sige, pinapatawad na kita pero ayaw na kitang makita at makausap”. Hindi ito tunay na pagpapatawad dahil may bitterness padin sa puso natin. 🙃 Pero bakit ganito ang utos sa atin ng Panginoon? Dahil ang Kanyang utos ay nagpapakita kung sino Siya. Ipinakita Niya sa talatang ito na Siya ay mapagmahal at mapagpatawad. Kaya bilang mga tunay na tagasunod sa Kanya dapat nating tularan ang kalikasan ng ating Panginoon.🙃 Laging subukang gumawa ng mabuti sa ibang tao. Laging sikapin sa lahat ng pagkakataon, masaya man tayo, malungkot, may sakit, abala, o wala sa mood. Gumawa ng mabuti sa iba ngayon habang sinasalamin mo si Kristo sa iyong buhay. Mapagpalang gabi sa ating lahat.😍🙏

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.