read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Minsan may ipinagprapray tayong sobrang tagal na pero wala parin nangyayari. At madaming beses gusto mo ng sumuko pero lagi tayong pinaaalahanan ng Panginoon na may plano Siya at dahan-dahan ay ipinapakita Niya sa atin ang maliit na progress (minsan sobrang liit na hindi na mapansin pero progress padin iyon). Tandaan natin ito, “God’s silence does not mean God’s absence” Laging nandyan ang Panginoon hindi Siya natutulog o nagbabakasyon. Kaya kung hindi pa sinasagot ng Panginoon ang prayers natin ay minsan tinuturuan Niya tayo maging patient at tinetest Niya ang faith natin kung patuloy ba tayong mananalig Sa Kanya kahit tahimik Siya o hindi Niya sinasagot ang prayer natin. Ang encouragement sa ating ngayon ay kilalanin natin ng mabuti ang Panginoon dahil kung kilala natin Siya ay panghawakan natin ang mga pangako Niya. Sapagkat ang ating pananampalataya ay hindi nakafocus o nakabatay sa ating sitwasyon at kalagayan kundi sa Promises at sa Nature ng Panginoon. Magandang buhay sa ating lahat.🙂🙏

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.