read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Lahat tayo ayaw natin ang problema o pagsubok. Pero alam niyo ba na parte ito ng buhay natin na kasama sa plano ng Panginoon para sa ikabubuti natin. Ang pagharap natin ng pagsubok sa buhay ay dapat ineexpect natin ito at dapat niyayakap natin ito dahil laging may magandang purpose ang Panginoon kahit napakahirap at napakasakit ng pinagdaraanan natin. Magtiwala sa ating Panginoon. Siya ay may magandang plano para sa iyo. Humingi ka sa Kanya ng karunungan upang maunawaan mo kung bakit mo pinagdadaanan ang iyong pinagdadaanan upang magkaroon ka ng kagalakan at kapayapaan sa gitna ng mga pagsubok. At balang araw ay magkaroon ng walang hanggang gantimpala na ipinangako sa iyo ng Diyos. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙂

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.