Karamihan sa atin ay gusto ng pagbabago. Pagbabago sa sistema ng gobyerno, pagbabago ng mga ugali ng kapamilya natin, at pagbabago sa sitwasyon sa trabaho. Pero madalas kung pagbabago ang pinag-uusapan ay nakaturo ang daliri natin sa kapwa natin dahil pakiramdam natin ay para gumanda ang sitwasyon ay kailangang magbago ang ibang tao. Kung ganito ang pananaw nating lahat ay wala talagang pagbabago na mangyayari. Dahil hindi natin kontrol ang desisyon at buhay ng kapwa natin kaya kung gusto talaga natin ng pagbabago ay magsimula dapat tayo sa sarili natin. Kaya kung gusto natin ng tunay na pagbabago sa sarili natin at sa bansa, pamilya at trabaho natin ay dapat matutunan natin isuko ang kontrol ng buhay natin sa Panginoon para ginagabayan Niya tayo at Siya ang nagdedesisyon para sa atin. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃
2 comments
Naman uncle i love green💚💚💚
Kunkundit ilab green lang ata anti.