read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Ang paghihintay ay isa sa pinakamahirap na gawin, Ngunit napakahalagang panahon sa ating buhay. Dahil sa parehong panahon ng paghihintay ay nararamdaman natin ang pagkabigo at kawalan ng pag-asa. Ngunit hindi ito ang wakas, hindi ito ang ating patutunguhan. Maaaring malungkot tayo sapagkat ang mga bagay na nais natin ay hindi pa nangyari. Oo, tila walang paraan para sa atin dahil wala kang nakitang pagbabago. Ngunit maniwala at magtiwala na ang ating Diyos ay gumagawa sa mga paraang hindi natin nakikita. Naririnig niya ang ating mga daing at dinidinig ang ating mga panalangin. Matapat ang Diyos at tutuparin Niya ang lahat ng ipinangako Niya. Sa tamang oras, Sa tamang lugar, At sa tamang mga tao. Kaya huwag sumuko mayroong isang malaking pagpapala sa ating paghihintay. Ang oras na ginugol natin para sa paghihintay ay hindi nasayang dahil ito ay laging sulit! Magandang Araw sa ating lahat. 📸 #Originalphotography®️ 📸Photo taken by me using my trusty A10s. 📍Urdaneta City, Pangasinan, Philippines. #Photography #MacroPhotography

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.